PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Body double, umamin tungkol sa "butt exposure" ni JM de Guzman sa Araw Gabi

by PEP Troika
Published Apr 19, 2018

JERRY OLEA: Nag-post sina June Macasaet (Manhunt International 2012 winner) at Juancho Trivino ng litratong pwetmalu sa Instagram.

Ayon sa isang bading na malapit kay June, ipinahiwatig ng dakilang modelo na yummylicious pa rin ang wetpaks nito.

Tinanggal agad ni Juancho ang post niya na naka-T-back siya.

Kapagkuwan ay lumabas ang teaser ng Kapamilya teleserye na Araw Gabi, kung saan ang comebacking actor na si JM de Guzman ay may butt exposure.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na big deal iyon sa amin, dahil sa teleseryeng Angelito: Batang Ama (Nobyembre 2011-Abril 2012) ay may eksenang tumalon siya sa ilog nang walang saplot.

Ang ikinagulat namin ay may body double pala si JM sa Araw Gabi.

Nag-post ang bikini model na si Jasper Nablo Mendoza sa Facebook na siya ang dumobol kay JM sa mga eksenang nakabuyangyang ang behind ng karakter nito.

E, hindi pa naipapalabas ang comeback TV series ni JM!

Aniya, “Subaybayan nyo po ang bagong teleseryeng aantig sa hapon nyo. Sa april 30 napo bago mag tv patrol.

#JMDeGuzm anBodyDouble# ArawGabi#Abs-Cbn New teleserye”

Kaakibat ng FB post na iyon ang 17 pictures, bilang patunay na body double siya ni JM sa butt exposure nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!


Kinumpirma iyon ni Jasper nang magkomento kami na behind pala niya iyong nakabihadhad sa teaser ng palabas.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-PM kami kay Jasper at inurirat pa siya.

Aniya, dalawang beses siyang dumobol kay JM noong Marso—sa dalampasigan sa Batangas, at sa swimming pool sa Bataan.


P7,000 ang TF (talent fee) niya sa pagdobol, kaya naka-P14K siya.

“P*w*t ko ang mabenta dun, tito, nahihiya na nga ako kay Barbie (Imperial, leading lady ni JM),” sabi pa ni Jasper.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



Nang usisain ko siya kung bakit nahihiya siya kay Barbie, hindi na siya nag-reply.

Nagwakas na noon ang fantaseryeng Dyosa (Agosto 2008-Enero 2009) ni Anne Curtis nang sabihin sa amin ng isa ring bikini model na siya ang dumobol kay Sam Milby sa eksenang hubo’t hubad ang karakter nitong si Adonis.

NOEL FERRER: Actually, normal lang naman sa mga produksyon na kumuha ng body double.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

I’m sure kinailangang lagyan ng tattoo ang likod ng butt-model/double para maging authentic ang likod nito pang camera.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana na lang, hindi i-promote ito na tunay na butt exposure for JM dahil hindi naman - para may truth in advertising.

Para dun naman sa butt double/model, malamang ito na ang huling beses siyang i-hire nang ganito dahil isa siyang show and tell, at nakakawala sa ilusyon at confidentiality ng produksiyon.

GORGY RULA: Kapag nag-double ang isang talent sa isang kilalang artista, dapat naka-double tape din ang kanilang bibig.

Hindi naman kailangang ipangalandakan pa yun.

Sa totoo lang, ang daming class A models na madalas nagdu-double sa mga shooting at commercials.

Naging propesyon na rin nila, pero tahimik lang sila.

Pero napag usapan na rin lang ang double, alam niyo bng may ibang artista na simpleng eksena lang, kagaya ng sampalan scene, pinapa-double pa?

Kaya naman bentang-benta ang mga magagaling na double kapag bida ang artistang ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results