JERRY OLEA: “I’m officially a ‘playwright’!”
Masayang ibinalita iyan ni John “Sweet” Lapus sa Facebook nitong Abril 20, Biyernes nang gabi.
Pasok sa staged readings ng VLF14 (14th edition ng The Virgin Labfest) #Silip ang unang dulang sinulat niya.
Last year niya sinulat ang one-act play na ito entitled Bagyolanda.
Nakatakda ang staged reading nito sa Hulyo 13 nang 6:00 PM sa Bulwagang Amado Hernandez ng CCP.
Ang magdidirek ng staged reading ay si Tuxqs Rutaquio.
Ano ang istorya ng Bagyolanda?
“Tatlong bakla po na na-trap sa loob ng parlor noong Yolanda sa Tacloban. Habang nasa bubong sila, nagtsikahan sila tungkol sa mga beauty contest,” kuwento ni Sweet.
Andami na agad nag-a-audition kay Sweet para sa staged reading, pero nilinaw niyang si Direk Tuxqs ang pipili ng cast.
May nasulat na ring screenplay si Sweet, entitled Pang-MMK.
Aniya, “Continuation ito ng isang MMK [Maalaala Mo Kaya?] episode 20 years ago. Isa po ako sa sumulat ng episode na ‘yon entitled Origami.
“Pang-MMK is what happened to the featured family in that said episode after 20 years. Comedy/Drama po siya like Origami 20 years ago.
“Isinali ko po ito sa Cinema One Originals 2018.
“Top 30 po ako. Sayang. Hopefully, may kumuha para i-produce. Sayang kasi.”
NOEL FERRER : Quite a coincidence naman na nakasama namin si John “Sweet” Lapus kagabi sa UP Samaskom presentation ng kanilang LIVE AIDS 32.
Laugh trip-to-death ang naturang presentation na may kanta, sayaw, at comedy sketches na nakakaaliw sa pagka-raw at napakatapang.
Pero ang maganda rito, supportive si Sweet sa mga efforts na ganito ng mga estudyante.
At pagkatapos ng presentation, kinausap namin siya—about his ongoing feud with showbiz kibitzer and master PR Bernard Cloma.
Ayaw na mag-comment ni Sweet tungkol dun—basta ang sabi lang niya at wag humara-hara si Bernard sa kanyang paningin at daan at makakatikim daw yan sa kanya.
Lalo tuloy kaming n-intriga tungkol sa totoong ugat ng kanilang gap.
Anyway, good luck Sweet sa iyong play sa Virgin Labfest!
GORGY RULA: Bentang-benta dito si Bernard Cloma huh?! Tantanan na siguro natin siya.
Pero parang interesting ang kuwento nitong Bagyolanda. Very John Lapus! Riot 'yan tiyak!
Kung hindi lang nag-focus noon si John sa talk show hosting, baka marami na 'yan naisulat na mga stageplay o kahit indie film.
Dapat ang pagdidirek na ang susunod niyang pasukin. Wala pa kasing sumunod sa tipo ng mga pelikula ni Direk Wenn Deramas na gustung-gusto ng mga manonood. Maaring puwedeng sundan 'yan ni Sweet.
