PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bakit ayaw ni Dulce ng salitang "habal-habal"?

by PEP Troika
Published Apr 22, 2018

JERRY OLEA: Nagwo-worry si Dulce para sa mga kabataan tuwing naririnig niya ang salitang “habal-habal” sa TV o radyo.


“Hindi kasi alam ng mga bagets ang meaning ng word na ‘yan sa Cebu, which refers to the sex act of animals.

“Kinukubabawan. Dog style. Literally, it’s kant*t-kant*t*n.

“'Di ba, ang pangit?!” maigting na pahayag ng veteran Cebuana singer nang makausap namin noong Abril 21, Sabado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya ang suggestion o panawagan ni Dulce (na isang born-again Christian), gamitin ang salitang “angkas-angkas” sa halip na “habal-habal.”

Dagdag ng respetadong mang-aawit, “Walang malisya iyong mga hindi nakakaintindi. Pero naniniwala kasi ako sa sinasabi ng Bible sa Proverbs 18:21, ‘The tongue has the power of life and death and those who love it will eat its fruit.’

“The mere mention of the word sends the wrong message, kasi, may nao-open sa mind ng nakakarinig...

“Once you mention about sex, it creates something, may arousal... because the words we speak send a signal to the spirit realm.”

NOEL FERRER: Alam niyo, dito nagiging mas dynamic ang wika—kapag may pumupuna sa wastong gamit; at lumalawak ang pag-unawa sa mga bagong kahulugan nito.

Sa kasong ito, wala namang intensyon siguro na makapanghalay at mambastos. Pero nainam na rin na nag-iingat sa paggamit nito.

Si Madame Dulce pa, kapag nagsalita na 'yan, parang may paggalang at pag-iingat na tila may basbas ng Diyos!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano kaya ang sagot ni Ted Failon dito at kagagamit lang niya sa salitang yun sa kanyang programa kagabi?

Read Next
Read More Stories About
Dulce
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results