PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cristine Reyes at Ali Khatibi, hiwalay na?

by PEP Troika
Published Apr 23, 2018

JERRY OLEA: Clueless si Ara Mina sa tsikang hiwalay na o nagkakalabuan ang younger sister niyang si Cristine Reyes at mister nitong si Ali Khatibi.


“Nag-post lang siya ng ‘Pray for me,’ nagkaroon na ng mga haka-haka,” pakli ni Ara nitong Abril 23, Lunes, sa presscon ng teleseryeng Araw Gabi sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, QC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Normal lang sa mga mag-asawa na makaroon ng indifferences. Hindi naman siguro away.”

Ang alam niya ay magkasama pa rin sina Cristine at Ali.

Wala bang nasasabi si Cristine na may problema ito sa married life?

“She’s OK naman,” matamang sambit ni Ara.

“Madalas kaming nagsasama. Kasi... ahh... ingat na akong mag-ano.

“Ayaw ko nang mag-away kaming magkapatid.

"At saka pag mga ganyan, buhay nila yun, e. Ayokong mag-interfere.

“Alam naman niyang anytime she needs me, andito lang ako.”

Hindi nagpo-post lately si Cristine ng pix nila ni Ali.

Ang katuwiran ni Ara, sobrang busy si Cristine sa mga pelikula.

“Nagte-training din siya. Mag-aaksyon-aksyon kasi siya. Kailangang magpakita siya ng abs-abs,” pahayag ni Ara.

If ever na totoo ang haka-haka kina Cristine at Ali...

“Whatever will be her status... araw gabi, susuportahan ko siya!” bulalas pa ni Ara.

GORGY RULA: Matagal na ngang napapag-usapang may problema ang mag-asawa, pero tahimik lang sila at napapansin na 'yan sa mga post nila sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tingin ko, na kay Cristine nakasalalay 'yan.

Isinakripisyo ni Cristine ang career niya para mabuo ang pamilya nila.

Sana malagpasan nila ito at hindi mauwi sa hiwalayan.

Pareho sila ni Ali sa Viva, kaya baka may maitutulong din ang mother studio nilang maayos ang problemang hinaharap ng mag-asawa.

Sa sunud-sunod na mga kasalan, hindi magandang singitan ng isyung hiwalayan.

Positive positive!

NOEL FERRER: Ali, I know, is trying to have a career of his own.

Mahirap din kasing nalinya siya sa mundong iniikutan ng misis niyang si Cristine, which will eventually lead to pagkukumpara sa estado nila sa industriya.

Noon, nag-attempt pa si Ali na sumali sa isang bikini body contest at nagwagi naman bilang runner-up, but that’s about it.

May may cameo at character roles sa ibang pelikula, but it seems like pang-ibang mundo siya talaga.

Good thing Cristine is becoming active again sa telebisyon with a teleserye and a new movie sa Viva (involving a hitman).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sana kung anuman ang differences nila ay maayos nila dahil kasal sila at seemingly napagwagian na nila yun nung una pa lang.

Are they on the same page or do they speak the same language?

I hope their love is great enough to patch things up!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results