JERRY OLEA: Maski si Vina Morales, hindi masabi kung ano ba talaga ang status ng relasyon ng younger sister niyang si Shaina Magdayao at ng nali-link ditong si Piolo Pascual.

“Ewan ko sa kanilang dalawa,” malumanay na lahad ni Vina nitong Abril 23, Lunes, sa presscon ng teleseryeng Araw Gabi sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, QC.
“Alam mo, hindi ko na... hindi na ako nagtatanong.
"Kasi nga, medyo... I know that their friendship is really good.
“Wala akong... they really have a good friendship. They get along well.
“Pero pagdating sa commitment, I don’t know kung ano ba talagang meron sa kanila. It’s so hard for me to tell.
“It’s better kung sila na lang yung mag-a-admit niyan, di ba?”
May naikukuwento ba si Shaina tungkol kay Piolo?
“Wala naman. Wala naman,” mabilis na tugon ng aktres.
“Iyong mga nababasa ko lang, iyong mga interbyu ni Papa P. Ha! Ha! Ha! Ha! Nagugulat na lang ako.
“Kung ano ang nababasa ko, yun lang ang ina-absorb ko.”
Never siyang nag-usisa ng real score?
“I didn’t ask na,” sabi ni Vina.
“Kasi, I know they have deep friendship, yun talaga ang ano... Kasi, two years nang ganyan sila.
“Every time naman na may event, like birthday ni Shaina, Piolo’s there. Yung ganyan, they’re together.
“And the family is so close to Shaina. So, ayoko lang bigyan ng...”
Boto ba siya kay Piolo para maging brother-in-law niya?
“Sino ba naman ang hindi?” napangiting sagot ni Vina.
“Kasi, Piolo is a good person. He’s a good man.
“Ahhmm... if it works, then, why not?”
GORGY RULA: Tingin niya kaya, it will work?
Silang dalawa lang makakaalam niyan, at depende kay Piolo 'yan. 'Lam niyo nah!
NOEL FERRER: Nag-premiere na ang kanilang pelikula by Lav Diaz, Ang Panahon ng Halimaw, na nag-Berlin Film Festival sa UP Film Center noong weekend.
Pero kailangan pa itong suportahan ng mas maraming tao.
Parang hindi ganun katunog, maging sa mga audience, ang kanilang tambalan.
Kayo naman, baka naman “friendship” nga lang.
