PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa: Dating magkakampi, magkalaban na ngayon

by PEP Troika
Published Apr 24, 2018

JERRY OLEA: Matapos magsama sa MMFF 2017 entry na Deadma Walking, “magkalaban” sina Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa sa CineFilipino Film Festival.


Isa si EA sa mga sundalo sa Mata Tapang, samantalang artistang may saltik ang karakter ni Joross sa Mga Mister ni Rosario.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“After Deadma Walking na sobrang nabuo yung love team namin...” natatawang lahad ni EA sa presscon ng CFFF 2018 nitong Abril 24, Martes, sa Gloria Maris restaurant, Gateway Mall, Araneta Center, Cubao, QC.

“Nabuo ang relasyon namin, iba na, e! Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi... ahhh, masaya! Ibang-iba kami.

"Pero kahit magkalaban ang mga pelikula, suportahan pa rin kami.

“Kumbaga, magkapatid pa rin kami. Magkapamilya pa rin kami.

"Kapuso man o Kapamilya kami, Joross will be a true friend to me.

“Hindi ko siya kakumpetisyon. Hindi ko siya kalaban. Kakampi ko siya rito. So, suportahan kami.

“Ako, susuportahan ko ang pelikula niya. Susuportahan niya ang pelikula ko.

"Walang kompetisyong magaganap.

“Magkasama pa rin kami sa filmfest bilang magkapatid.

"Wala siya ngayon dito, hindi siya makakarating, dahil bising-busy siya sa bago niyang project, ang bago niyang propesyon—direktor.

“Happy naman ako at proud sa kapatid kong iyan!”

May bagong pelikula si EA, Pinay Beauty, kasama sina Maxine Medina, Chai Fonacier, at Janus del Prado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani EA, “Istorya siya ng beauty ng isang Pinay. It’s about honesty. It’s about pagiging Pinay.

“So, okey rin siya. Comedy rin siya. Hindi drama.”

NOEL FERRER: Sayang nga at wala si Joross Gamboa sa presscon kanina ng CineFilipino dahil nagdidirek siya ng Digital Project para sa ABS-CBN.

Pero tama si EA, bonded talaga silang dalawa at suportahan.

At dito sa mga projects nila ngayon, lalaking-lalaki sila— si EA, sundalo; si Joross, mister na aktor na nadadala ang iba’t ibang roles sa bahay—a respite from their gay roles in the past.

Dito nasusukat at versatility ng talent ng dalawang ito at kabutihan nila bilang mga artists (at magaan katrabaho).

No wonder, hindi sila nauubusan ng work.

GORGY RULA: Naniniwala naman ako sa closeness nilang dalawa, pero mas naniniwala pa rin akong hindi maiwasan ang kumpetisyon lalo na’t pag pinagkumpara na ang trabaho nila.

Dun pa lang sa Deadma Walking, mas pinuri si EA kesa kay Joross kahit magaling naman ang huli.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasi nga, mas maganda ang role ni Edgar Allan kesa kay Joross.

Kahit sa ilang award-giving bodies, si EA ang mas napansin at na-nominate, kaya ang kumpetisyon hindi maiwasan lalo na’t pagkumparahin silang dalawa.

Ngayon ay magtatapat sila ng pelikulang kalahok sa Cine Filipino, hindi maiwasang pagkumparahin na naman sila kung sino ang mas magaling at kung alin ang mas papatok sa takilya.

Kaya dapat magkaroon ng kanya-kanyang level ang pagiging aktor ng dalawa para walang tapatan at kumparahan.

Kung bibidahin si Edgar Allan, pang-major support naman si Joross.

Ewan ko kung tama ang tingin ko diyan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results