PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mon Confiado, handang mag-frontal nudity sa ngalan ng sining

by PEP Troika
Published Apr 25, 2018

JERRY OLEA: Dalawa ang entries ni Mon Confiado sa CineFilipino Film Festival (May 9-15, 2018)—Hitman at Poon.



“Actually, tatlo nga dapat. Hindi ko na nagawa yung Mata Tapang. Kasi, conflict na, e!” natatawang sambit ni Mon nang makausap namin sa CFFF presscon nitong Abril 24, Martes, sa Gloria Maris restaurant, Gateway Mall, Araneta Center, Cubao, QC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, okey naman. Pari ako sa Poon. It’s a horror film.

"At dito sa Hitboy, I’m playing as myself, Mon Confiado. Pero combination ito ng fictional at realism.

“Kaya interesting!”

Andami-daming indie movies na ginagawa ni Mon. Hindi ba nag-aano-ano ang mga ito?

“Nagko-conflict? Nagsasanga-sanga?” napapangiting lahad ni Mon.

“Well, ang maganda dito, isang sign na OK ang industriya natin. Ang indie films ang bumubuhay sa ating film industry ngayon.

“Ito ngang Cine Filipino ay isa sa napakaraming film festival dito sa atin sa Pilipinas.

“At iyon nga, ang kagandahan, e, dahil ako ay... alam mo naman tayo, kilala mo naman ako mula noon na nagsisimula, ang working attitude natin, ‘yan ang puhunan natin.

“Iyong working attitude ang importante, dahil alam mo naman ang indie, medyo limited ang budget.

“So, yung mga artistang maaasahan, kumbaga, ang kailangan.

"So, well, isa ako sa napapabilang sa supporters ng independent films," sambit ni Mon, na kasali sa Kapuso drama series na Contessa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawampu’t apat na taon nang artista sa pelikula si Mon. Sa average, 10 to 12 films ang nagagawa niya bawat taon.

Kailan ba siya magpo-frontal nudity, lalo pa’t usap-usapang tunay na dakila ang taglay niyang pambihira?

Parang nakiliti si Mon na humagalpak ng tawa, “Ha! Ha! Ha! Ha! Parang hanggang ngayon... Ha! Ha! Ha! Ha! Hanggang ngayon, may mga naghihintay pa ba?!

“Well, gumawa ako ng erotic film, yung Palitan ni Mara Lopez at ni Alex Medina, ano ‘yan... isa ‘yan sa pinakamahabang love scene sa film industry natin.”

In fairness, wala pang sex scandal ang dakilang aktor, huh?!

Napabungisngis si Mon, “Oo, maingat ako, eh! Ha! Ha! Ha!”

If ever, gagawin pa ba niya ang frontal nudity?

“Yes,” pagseseryoso ni Mon. “As an actor, wala akong limitations. Hindi ako nag-aalala sa mga frontal-frontal na ‘yan.

“O kahit ano pa mang ikamamatay ko, alang-alang sa industriya. Ahh... right timing lang.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kumaway-kaway si Mon habang nakangiti nang pagkatamis-tamis, “So, yung mga nag-aabang diyan...”

Kailan siya magpo-frontal?

“Pagka ochenta [80] na ako! Ha! Ha! Ha!” pagbunghalit muli ni Mon ng mataginting na halakhak.

NOEL FERRER: Magka-level ba sina Mon Confiado at DJ Durano, Tito Jerry, na parehong bukas at mapangahas sa kanilang pagka-artist ngayon?

Sila yung habang nagkakaedad ay lalong nagiging mas daring at handang mag-frontal nudity.

Sino sa kanila ang mas may ipagmamalaki?

At sino ba sa kanila ang mas mabili, aber?

Parang kilalang kilala mo sila mula nang kanilang pagkabata.

GORGY RULA: Hmmm... interesado ba talaga tayo kay Mon Confiiado kahit magbuyangyang siya?

Puwede next item na?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results