JERRY OLEA: 8:00 AM pa lang nitong Abril 25, Miyerkules, ay marami nang SM cinemas ang nagbukas para sa Avengers: Infinity War.

After lunch ay may himutok ang ilang FB friends namin na sold out ang IMAX cinemas na pinagpapalabasan nito.
Pagkagat ng dilim ay nagtungo kami sa Gateway Cinemas. Andaming tao! Pila-pila!
Sold out na ang screenings ng Avengers: Infinity War sa Atmos (P310) & Platinum (P400).
Ang available na lang ay yung 11:00 PM screening.

Sa socmed, more & more ang posts tungkol sa 19th film ng MCU (Marvel Cinematic Universe).
Andaming nagsasabi na huwag mag-spoiler sa casualties of Infinity War.
Ito ang pinakamagastos na Marvel movie, so far.
Usap-usapang ang production budget nito ay hindi bababa sa $300M, at maaaring umabot sa $400M!
Tunay na event movie!!!
GORGY RULA: Ayon sa reliable source ng PEP Troika, mahigit P140M ang kinita nito sa first day of showing.
Kaya nasagasaan talaga yung mga pelikulang kasabay at yung mga nag-showing nung nakaraang linggo.
Tiyak na apektado ang DOTGA nina Kim Chiu at Ryan Bang.
Sabi nga ng aming source, baka malabo nang umabot ito ng P60M sa second week.
Ang tantiya nila, halos P40M lang ang kinita nito sa first week, kaya paano pa ito makabawi dahil sa pagpasok ng Avengers?
Sa ngayon ay 60 theaters na lang daw naiwan sa DOTGA.
NOEL FERRER: Marami sa mga kaibigan natin ang hindi nakapanood ng opening day dahil punuan na raw ang theaters ng Avengers.
Kaya naman nakakatuwa ang post ni Lilit Reyes na kasama sa grupo ng Single/Single at Changing Partners na ipapalabas na soon.
Ang sabi niya, “Please manood na kayo lahat ng Avengers. Kasi next week, Single/Single na. Baka mang-agaw pa kayo ng sinehan, 2nd week Marvel. :-)”
