PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sexual harassment, kalakaran na ba talaga sa local showbiz?

by PEP Troika
Published Apr 26, 2018

NOEL FERRER: Naglabas ng statement ang pamunuan ng Directors Guild of the Philippines, Inc. tungkol sa issue ng sexual harassment bilang magandang initiative sa pagsasaayos ng hanay ng mga direktor.

Alam naman nating laging nasa position of power ang mga direktor kaya inaayos ng DGPI ang guidelines nila para sa mga direktor upang maiwasan ang mga aktor man o staff na nagrereklamo laban sa kung sinumang umabuso sa kanilang direktor.

Wala silang pinatutungkulang ispesipikong kaso for now, ngunit magkagayunpama’y at least handa sila kung sakali mang magkaroon ng #MeToo movement dito tulad ng sa U.S. parang si Harvey Weinstein.

Does this remind and warn us against existing allegations/cases of harassment, mga kapatid?

JERRY OLEA: Oktubre 2017 pumutok sa The New York Times at The New Yorker ang paratang kay Harvey Weinstein ng dose-dosenang babae na inabuso nito sa loob ng tatlong dekada.

Ngayong Abril, magkasamang natamo ng The New York Times at The New Yorker ang Pulitzer Prize for Public Service kaugnay sa mga report nila kay Weinstein.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Mabuti naman at naglabas ang DGPI ng kanilang paninindigan sa isyu ng sexual harassment.

Naalala tuloy namin ang mahiwagang “kamay ni Hilda” incident sa panig ng magaling na direktor at premyadong indie actor.

Isang gabing mailap ang mga alitaptap, gumapang ang mapagpalang palad ni Direk sa junjun ng kanyang poging artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumalag si Kuya, kaya ang direktor na nabitin ay sungit-sungitan kinabukasan!

GORGY RULA: Di ba, matagal na itong kalakaran at nangyayari?

Hindi lang naman ang ilang direktor ang gumagawa ng ganung harassment kundi pati ang ibang TV executives, producers, talent coordinators, talent managers, at iba pa.

Di ba, nabanggit noon ni DJ Durano sa nakaraang interview ng PEP Troika na kapag pinasok mo ang ganitong propesyon, dapat handa ka magpagamit kapag may magkainteres sa ‘yo bago ka pasisikatin?

Inaasahang may ganun din sanang aksiyon ang Katipunan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon o KAPPT para sa proteksyon na rin mismo sa mga artista lalo na sa mga baguhan.

Naalala ko tuloy ang nasaksihan kong audition ilang taon na ang nakaraan para sa isang pelikulang ipu-produce ni movie producer na hindi na gaanong active sa ngayon.

Napatulala na lang ako nang pinaghubad niya ang nagsisimulang sexy starlet at tiningnan kung bagay ba sila ng isa ring baguhang aktor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si girl lang ang pinaghubo’t hubad niya at naka-topless ang lalaki.

Sinabihan silang mag-torrid kissing para makita kung erotic ba ang eksena o bagay sila.

Matagal ang halikan ng dalawa hanggang ang mismong lalaki na ang huminto dahil siya na ang nahihiya para sa babae.

Sabi ni produ, dapat masanay na raw silang dalawa dahil mas marami pang tao ang nakakasaksi sa ganung eksena sa mismong shooting.

Wala silang magawa kundi sundin alang-alang sa movie career.

Nakapagbida naman si sexy starlet ng dalawa o tatlong sexy movies bago siya naging dyowa ng isang mayamang businessman.

May nangyayari pa kayang ganun o baka sa ibang paraan na?

Ano ang puwedeng gawin dito ng DGPI o KAPPT o kahit ang PAMI para mabigyan ng proteksyon ang mga artista o sino mang nakakaranas ng ganung harassment?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results