PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Benjie Paras, tahimik lang sa pagkakasundo ng kanyang mga anak at ni Jackie Forster

by PEP Troika
Published Apr 29, 2018

JERRY OLEA: Bago isara ang Boracay ay nag-PM kami kay Jackie Forster upang hingan ng memories niya sa nasabing isla.

Urban legend na kasi sa showbiz ang insidente diumano sa Boracay, na mitsa upang malayo ang kalooban sa kanya ng mga anak niyang sina Andre at Kobe Paras.

Ang sabi ni Jackie, magaganda ang mga alaala niya sa isla, at paninira lang sa kanya ang mga istoryang iyon.

Balak ni Jackie na umuwi ngayong tag-araw sa bansa, pero hindi niya ipinasulat sa amin at baka raw maudlot iyon.

The next thing we knew, nasa Pilipinas na siya, at nagtagpo silang tatlo nina Andre at Kobe makalipas ang 12 taon.

When you have little pieces of you walking around on earth, all you can do that makes the biggest difference is to pray for them. When your heart beats in tune with your prayer their Homing Device will activate, eventually they come home. This is all that matters now, that we are together again â?¤ï¸? no matter what anyone says @_kokoparas will always be mamas hero ð??ª Thank you to kuya @andreparas for taking good care of him while mama was away. God is sooooo good! I told you all - #prayerswork I ask for everyone to please respect their privacy now, we have shared so much of our personal lives with everyone and we want to take this time to heal and bond. No more bashing please. We lift you all up in prayers and speak blessing upon you all. The boys and I do not want to dwell on the past. We will not speak on behalf of people outside of our relationship. That’s not our place. On behalf of my two sons I want to thank those of you who prayed for us and with us! God bless your hearts a million folds!!!! â?¤ï¸? â?¤ï¸? â?¤ï¸? â?¤ï¸? â?¤ï¸? J.A.C.K.Y

A post shared by Jackie Forster (@jackie_forster) on

Hiningan namin ng mensahe kaugnay rito ang manager ni Benjie Paras, ama nina Andre at Kobe, na si Manay Lolit Solis.

Sabi ni Manay Lolit, “Happy. I know that day will come dahil siya ang mother.

“Di ba, sabi ko, bigyan niya lang ng space, huwag niyang pilitin, dahil in the end, siya pa rin ang mother.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung may mali man, dapat ang laging magkaroon ng pasensiya, ang mas matanda.

“So happy dahil kahit ano sabihin, hindi complete ang life nina Andre at Kobe kung hindi sila magkakaayos.

"Pero dapat ding bigyan ng credit ang ginawang pagpapalaki nina Benjie at Lyxen kina Andre at Kobe, na lumaking mababait at responsableng mga tao.”

NOEL FERRER: Tama naman yun, lalong pinagpapala ang mga taong may respeto sa mga magulang—ano pa man ang pinagdaanan nila.

Puwedeng sabihing madali sa salita, pero challenge ito sa mga magulang na may lamat ang samahan.

Look at some fine examples...

Julia Barretto had to mend her gap with her dad Dennis Padilla bago umangat ang career niya.

Si Janella Salvador, may pasaning hindi magandang ugnayan sa nanay niyang si Jenine Desiderio.

At ano na ang nangyari na sa Roco twins na tumagal ang tampo sa kanilang ama na si Bembol Roco?

Iba talaga ang may magandang relasyon lalo na sa mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana nga maayos ni Jackie ang relasyon niya sa kanyang mga anak.

God bless all of them!

GORGY RULA: Hindi sumasagot si Benjie Paras sa tawag at text ko.

Obvious na ayaw na niyang mag-comment pa para maging isyu.

Noon pa man ay sinasabi ni Benjie na nirerespeto niya ang lahat na desisyon ng mga anak niya.

Nung hindi nagtatagpo ang mag-iina, sina Andre at Kobe ang may desisyong ayaw nila.

Ngayong ready na silang makita uli ang mommy nila, siguro naman walang pagtutol dun si Benjie.

Mga ganung positibong balitang ang magandang pag-uusapan. Hindi nga galit at poot.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results