PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Benjie Paras sa pagbabati ni Jackie Forster at kanilang mga anak: "At least okay na, tapos na."

by PEP Troika
Published Apr 30, 2018

GORGY RULA: Sandaling nakausap ng PEP Troika si Benjie Paras para hingan ng reaksiyon tungkol sa pagkakaayos ni Jackie Forster at ng mga anak nilang sina Andre Paras at Kobe Paras.


Matagal na raw niyang alam ang pagkikita nina Kobe at Jackie dahil nagpaalam naman daw sa kanya ang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam ko naman yun, at least okay na, tapos na,” sagot ng aktor.

Dagdag pa ni Benjie, “Sinabi ko naman nun na darating naman ang araw na makapag-decide na ang mga bata para sa sarili nila, na hindi mo na kailangang pilitin. Okay na yun.” 

Ayaw nang pahabain pa ni Benjie ang aming pag-uusap kapag tungkol sa mag-iina ang mga tanong namin.

At least masaya na raw ang lahat, at mag-move on na.

So far, wala pang ipinu-post ang magkapatid na Andre at Kobe tungkol sa pagkikita nila ng kanilang ina.

NOEL FERRER: Ang lahat ay nagaganap sa tamang panahon.

Masaya tayo sa nangyari sa kanilang pamilya.

Tunay ngang may pagsasaayos ang lahat.

Sana’y marami pang magaganda at positibong balitang kapupulutan ng inspirasyon tulad ng nangyaring ito kina Jackie at ang mga anak nitong sina Kobe at Andre—at Benjie na rin!

JERRY OLEA: Nakipagkita kay Jackie ang mga anak na sina Andre at Kobe makalipas ang 12 taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Panahon ito ng paghilom at bonding para sa mag-iina.

Ayaw na nilang bulatlatin ang nakalipas.

Ang importante, ang relasyon nilang tatlo.

Kaya malaking EWAN kung magkakaayos din sina Jackie at Benjie.

Aba! May blueprint ng modern family sina Ogie Alcasid & Michelle van Eimeren, pati sina Pops Fernandez & Martin Nievera, di ba?!

Ang mga lider ng North Korea at South Korea, nagkamay. Nagkasundo.

Na-inspire tuloy si Brod Pete.

Post niya sa FB noong Sabado ng hapon, "Mamayang gabi magkikita kami ng biyenan ko sa gate ng bahay nila..."

Sa tamang panahon, pagkalipas ng maraming taon... magiging friends din kaya sina Jackie at Benjie?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results