JERRY OLEA: Marvelous pong tunay ang Avengers: Infinity War!
$630M more or less ang global debut nito, kabog na kabog ang record na $541.9M ng The Fate of the Furious (2017) aka Fast & Furious 8.

Ang daming records sa takilya ang winawarak ng ikatlong Avengers film.
No. 1 ito sa lahat ng international territories na nag-open ito, sa pangunguna ng UK ($42.2M), kasunod ang South Korea ($39.2M*), Mexico ($25.1M*), Australia ($23.0M), Brazil ($18.8M*), India ($18.6M), France ($17.7M), Germany ($14.7M), Philippines ($12.5M*), Italy ($11.0M), Thailand ($10.0M*), Indonesia ($9.6M*), Taiwan ($9.5M), Japan ($9.0M), Malaysia ($8.4M*), at Spain ($8.3M).
Iyong mga may asterisk (*) ang pinakamalakas na opening ever sa mga nasabing bansa.
Take note, hindi pa palabas ang Infinity War sa Russia at China, huh?!
Sa North America, tinatayang $250M ang opening weekend gross.
If so, kabog ang opening weekend gross na $247.9M ng Star Wars: The Force Awakens (2015).
Ilang oras pa bago malalaman ang exact figures.
Sa Pilipinas, naso-soldout pa rin ang screenings nitong nakaraang weekend (Sabado at Linggo).
Ngayong Lunes (Abril 30), pila-pila pa rin ang moviegoers sa apat na sinehan ng Ali Mall kung saan palabas ito.
Syempre pa, ikinatuwa ng mga Pinoy na may eksena si Thanos sa Ifugao rice terraces.
NOEL FERRER: Hindi pa rin ako pinapalad na panoorin ito ngayon dahil naba-bump off sa oras na okay ako dahil full house na sa audience.
Grabe ang pag rave ng ibang tao. In fairness, pinag-aksayahan naman ito ng matinding oras, effort, at resources.
Sabi ko naman, di ba’t kung superhero lang naman, meron naman tayong local counterpart ng ganyang kalaking effort ng pagdye-general assembly ng lahat—ang Bagani. Any reactions?
JERRY OLEA: Cute ang posts ni Joey de Leon sa Instagram at Twitter...
“Match talaga itong dalawang ito. Si Alden ALDENGERS, si Menggay X-MENG!
“Eh kung ALDENGERS pala at X-MENG itong dalawang ito eh di hindi lang forever ito... INFINITY na!”
GORGY RULA: Sabi nga ng ating reliable source, umabot daw ng $650M ang kinita nito as of yesterday.
Pero sa totoo lang, hindi ako interesadong panoorin 'yan.
Kaya para maiba lang, hindi na ako makigulo at makipila sa sinehan.
Palilipasin ko na 'yan, at sana hindi maapektuhan ang mga ipalalabas sa susunod na linggo.
