Entertainers at showbiz insiders, nababahala sa breakdown ni Sarah Geronimo

by PEP Troika
May 1, 2018

NOEL FERRER: Parami nang parami ang concerned kay Sarah na naglabas ng public opinion sa kanyang sinapit sa Las Vegas.


Isa na rito si premyadong songwriter na si Trina Belamide na ang sabi’y, “It's tempting to start an online petition na "Give Sarah G a break."

"This hard-working girl seriously needs to get away from everyone—her family, her fans, her label, EVERYBODY—and just take time to quiet down and listen to her heart and soul.

Continue reading below ↓

"She's been working non-stop since her teens because of pressure from everyone surrounding her: people who tell her singing is God's gift and that she should therefore be grateful and never stop, people who make money off of her.

"This is not the first time she has broken down, nor will it be the last if she continues down this path. Naaawa ako sa kanya.”

Bawi ni Trina sa comment niya pagkatapos, “I don't know if an online petition is extreme, or if it will even work.

"Kasi naman, you would think that the people surrounding her would be more sensitive to her needs and would be the first ones to want what is good for her. Well from what I've heard, they've built a fortress around her. Supposedly to protect her from harm from the outside world. Instead, they've imprisoned her.

"People who want to help her have a hard time even getting through to her.”

Continue reading below ↓

Medyo nakakainis lang yung mga tumatawa sa audience, maybe thinking this was part of the act. But why laugh?

"Naaawa ako sa kanya. She’s the real deal. She deserves a breather.

Sabi ni Moy Ortiz ng The Company, “I was appalled that people were cackling! Baka akala nila comedy ala vice ganda but they couldn’t see it was an honest to goodness MELTDOWN.”

Tuloy pa ni Moy, “This, sadly, is the direction our humor has gone—sometimes, instead of eliciting sympathy, support, and empathy, pinagtatawanan ang mga hirap at sakit ng iba.

"Nasanay sa pinapahiya ang iba just for being themselves. Shaming has been fodder to our humor. Hindi nakakatawa.”

JERRY OLEA: Ina, Kasusuklaman Ba Kita?

Pakawalan Mo Ako.

Mga Bilanggong Birhen.

Uhaw sa Kalayaan.

Kapag Napagod ang Puso.

Nakagapos na Puso.

Divine Mercy sa Buhay ni Sister Faustina.

Alin sa mga pelikulang ito ang keribels i-remake ng 28-anyos na si Sarah Geronimo?

Continue reading below ↓

Nasa edad na si Sarah upang magdesisyon para sa kanyang sarili, maging maligaya sa piling ng kanyang mahal, at bumuo ng sariling pamilya.

Di ba?

NOEL FERRER: Mga tanong nga ng isang iginagalang na showbiz insider:

“Bakit kaya bugbog si Sarah ng work?

"Nagpahinga ba nang matagal?

"Sinusulit ba ang stardom niya habang di pa nag-aasawa?

"Masyado bang marami ang naipangako ng Viva sa sponsors at fans?

"Ano ang papel ni Mommy Divine? She's counting the eggs still laid by her golden goose?

"What is Sarah's say in all this? Is she complicit? Is she weak?"

NOEL FERRER: Kahit nga si Jim Paredes ay nagpahayag ng kanyang saloobin, “I have seen this happen a few times.

"Entertainers are in a big way people pleasers. We can't help it.

"All the fame, praise, money, noise can make you forget yourself, and just do what's on your sched or what's demanded of you.

Continue reading below ↓

"But then you also eventually wake up and realize that deep down inside, you know you are more than what people perceive you to be.

"You are much bigger. And more real. Listen to that.

"That is your inner wisdom calling you to other missions you have to do.

"Carl Jung said that 'What is forced hidden becomes fate.'

"Lalabas at lalabas ang tunay na hangarin at gusto mo. Your other hidden talents and gifts are waiting to express themselves.

"Good luck Sarah. Transformations are painful, scary but inevitable. Kaya mo 'yan.

"An artistic mantra I subscribe to is, 'Jump and the net will appear.' It almost always does."

GORGY RULA: Kanina lang sa blogcon ng pelikula ni Matteo Guidicelli ay nahingan ng pahayag ang Kapamilya actor kaugnay sa pinagdadaanan ngayon ni Sarah.

Nalulungkot lang daw siya dahil wala siya roon para pakalmahin ang kasintahan.

“It’s just that that, I feel like it to be there to comfort her in anyway I can," pakli ng aktor.

Continue reading below ↓

Patuloy lang daw siya sa pagpapadala ng mensahe kay Sarah.

Pati mga kaibigan nila ay may mensahe rin para kay Sarah, at siya na lang daw ang nagpu-forward nito.

“We’re all here, a lot of our friends and friends from the industry of course gives me text and forward it to her.

"She’s happy na she got a time to rest," dagdag na pahayag ni Matteo.

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Sarah Geronimo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results