FIRST READ: LizQuen tinalo ang AlEmpoy bilang Box Office King and Queen

by PEP Troika
May 1, 2018

NOEL FERRER: Mainit-init pa ang balitang napagdesisyunan na ang Box Office King and Queen ng 2017.

Ito ay ang LizQuen tandem nina Liza Soberano and Enrique Gil para sa kanilang My Ex and Whys ng Star Cinema.


Ang tinalo nilang AlEmpoy tandem nila Alessandra da Rossi at Empoy Marquez ng Kita Kita ay gagawaran naman ng Breakthrough Love Team Award.

Continue reading below ↓


Phenomenal Box Office Stars naman sina Vice Ganda, Pia Wurtzbach, at Daniel Padilla para sa Gandarrapiddo: The Revenger Squad.

Movie Actress of the Year naman si Iza Calzado para sa Bliss, samantalang tie naman bilang Movie Actors of the Year sina Aga Muhlach at Dingdong Dantes para sa Seven Sundays.

Continue reading below ↓

Si Joanna Ampil naman ang Most Promising Actress at si Ruru Madrid naman ang Most Promising Actor.

Sa May 20 sa Resorts World Manila gaganapin ang parangal para sa Guillermo Box Office Awards.

JERRY OLEA: Why?! Why, oh, why?!

Kitang-kita namang mas malaki ang kinita ng Kita Kita (AlEmpoy) kesa sa My Ex’s and Why’s (LizQuen)!

Kaya siguro nagngingitngit ang langit ngayong tag-init ay dahil sa mga ganyang kabulastugan o kababalaghan!

At si Joanna Ampil na 1990s pa umaariba sa musical theater productions, PROMISING actress?!

Diyos na mahabagin!!!

GORGY RULA: May basehan ang mga bumubuo ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation, Inc. kung bakit sina Enrique Gil at Liza Soberano ang napiling Box Office King and Queen, at hindi sina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi ang napili.

Pero sana yung box-office returns na basehan nila ay hindi kuha sa pam-press release na figures na padded.

Pero hindi nila maitatanggi na popularity game lang talaga ito, dahil ang gusto nila, marami talagang big stars na dumadalo sa awarding.

Continue reading below ↓

Kaya binigyan na lang nila ng pampalubag-loob na Breakthrough Love Team Award.

Pero parang wa epek na rin naman ngayon itong breakthrough love team ng AlEmpoy, e!

Dati naman kasi Box-office King and Queen lang talaga ang pinaparangalan at ang iba ay minor awards na. Ngayon ang dami na nilang naimbentong title para lang mapapunta ang mga malalaking artista.

Huwag sana sila maubusan ng titulong ipapamahagi kapag padami nang padami na ang mga sikat na mga artistang gusto nilang papuntahin.

Hindi tuloy maiwasang isiping fans day lang talaga ito ng mga taga-Bulacan na bumubuo nitong award-giving body.

Subukan niyong dumalo sa awarding nito, sandamakmak ang mga nagkakagulong tao para magpa-picture sa mga artistang dumarating.

Kasi, bawat miyembro may karay-karay na mga kasamahan nila para magpiyesta sa pagpapa-picture sa mga artistang dumadalo.

Pagdating naman sa promising awards nila, palagay ko, si Ruru Madrid ang napili nila dahil sa magandang performance nito sa TV at hindi sa movies.

Continue reading below ↓

Congratulations na rin sa lahat na mga paparangalan ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results