Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Aktres at mayamang lover, nag-"sexhibition" sa harap ng mga kaibigan

by PEP Troika
May 2, 2018

GORGY RULA: Natulala ako sa narinig kong usap-usapan ng grupo ng mga kalalakihang negosyante, ilang pulitiko, at mga mediamen ang karamihan.

Nagtatanungan sila kung may nakalusot daw bang video ng aktres at ng madatung niyang lover boy.

Ewan ko lang kung totoo yung pinag-uusapan nilang "sexhibition" ng dalawa sa harap daw ng mga malalapit nilang kaibigan.

Sa yate raw ng isang kaibigan ito nangyari, kung saan mayroon daw silang konting party-party doon.

Sobrang nalasing na raw kasi ang dalawang magdyowa-dyowaan, na nakatuwaang ipakita sa mga kaibigan nila kung paano sila mag-sex.

Ilan lang daw ang nakasaki, pero tiyak na mayroon daw nag-video nun.

Pero hindi lang daw sila sure kung mailalabas ang video na yun dahil, siyempre, iilan lang ang nakasaksi.

Kung kakalat ang video, tiyak na madaling malaman kung sino ang naglabas nito.

JERRY OLEA: Scandalicious ang video ng "sexhibition," lalo pa’t mga kilalang personalidad ang sangkot.

Ang salitang "sexhibition" ay blend o portmanteau ng mga salitang ‘sex’ at ‘exhibition.’

Continue reading below ↓

Noon pa nauso ang pagtatalik ng magkapareha in public, na may mga nakakapanood.

Siyempre, may mga bansa na bawal ito at may kaukulang parusa sa mga nahuhuli.

May mga lugar na tino-tolerate ito, at meron pa ngang nag-o-organize ng festival nito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa Pilipinas, na kung tutuusin ay sandamukal ang konserbatibo (at ipokrito), taboo ito.

Wala pa ngang diborsyo sa lupang hinirang, kaya ang sexhibition ng mga yayamanin, kilala, at makapangyarihan ay nakakawindang, nakakagulantang, nakakahibang!

NOEL FERRER: Matagal nang usap-usapan itong dalawang magdyowa.

At medyo may pag-iingat ang pagkukuwento rito dahil kilalang may partner si aktres na kaibigan din si lover boy.

Ang tanong, may consent ba at basbas si partner kay aktres para sumide trip kasama si lover boy?

Sa pagiging makapangyarihan nila, malamang puwede nilang mapigilan ang pagkalat ng maeskandalong video na ito, kung sakali man...

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results