Enrique Gil at Liza Soberano, deserving sa titulong Box Office King & Queen

by PEP Troika
May 2, 2018

JERRY OLEA: Ayon sa Wikipedia, ang Top 3 grossing Filipino films ng 2017 ay Gandarrapiddo: The Revenger Squad (P571M), My Ex and Why (P410M), at Kita Kita (P320M).


Iyong P571M gross ng Gandarrapiddo ay sa duration lamang ng MMFF 2017 (December 25, 2017 hanggang Enero 7, 2018).

Iyong P410M gross ng My Ex and Whys ay worldwide.

Continue reading below ↓

Sa abroad ay humamig ng ito ng mahigit $5M (P260M).

So, sa Pilipinas, more or less ay P150M ang kinita ng LizQuen movie.

Iyong P320M gross ng Kita Kita ay sa Pilipinas lamang.

Sa unang linggo ay naka-P100M ang AlEmpoy movie.

Sa second week, umabot sa P240M ang cumulative gross nito, at by third week ay lumampas na ito sa P300M.

Ang My Ex and Whys ang itinuturing na highest-grossing local film worldwide ng 2017—dahil ikinunsidera lang ay ang kinita locally ng Gandarrapiddo mula December 25 hanggang December 31, 2017.

NOEL FERRER: Yun na nga rin ang text sa akin ng kaibigan kong sumusubaybay sa box-office gross ng mga pelikula.

“410M ang Ex and Whys. True yun kasi yun din ang figure based on financial records. 310M+ lang Kita Kita,” pagkumpirma ng isang Kapamilya.

“Pero okay na Phenomenal sina Vice at Daniel.

"Pero si Pia, kailangan pang may patunayan kasi hindi rin consistent ang record niya with the latest movie with Gerald,” pagpapatuloy ng kaibigan ko.

Continue reading below ↓

I don’t think kasama ang bagong Pia-Gerald movie sa equation kasi this year na yun naipalabas.

GORGY RULA: Sa totoo lang, parang mas gusto ko na lang sina Enrique at Liza ang parangalan.

Dahil marami pa silang projects na posibleng mag-hit.

Mukhang hindi na rin naman masusundan 'yang kina Alessandra at Empoy.

Hindi nga nila maangat-angat ang soap nila ni Piolo Pascual.

Saka agree naman ako kung worldwide box-office returns ang pagbabasehan.

Pagdating naman sa Phenomenal award, tama ring isama si Pia Wurztbach dahil isa siya sa mga bida sa Gandarrapiddo. Sa pelikula kasi binabase.

Saka bakit ba kailangang seryosohin 'yang award-giving body na 'yan?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results