Aubrey Miles at Troy Montero, ano ang gustong patunayan sa pagpu-post ng kanilang nude photos?

by PEP Troika
May 3, 2018

NOEL FERRER: Gusto ko lang i-pick up ang nasa PEP News natin at itanong kina Troy Montero at Aubrey Miles: what are they up to sa pagpu-post ng kanilang nude photos sa kanilang social media accounts kapag nagpupunta sa mga mamahaling mga lugar?

Nauna na nilang ginawa ito sa The Farm sa San Benito sa Batangas, at dun nabigyan sila ng room upgrade para sa birthday celebration ni Aubrey.


Continue reading below ↓

Dito naman sa Palawan, ano kaya ang deal?


O kung wala man, ito ba talaga ang trip ng mag-asawa? At wala na lang basagan ng trip?

Gusto kong malaman ang nasa isip ng ating readers and followers.

JERRY OLEA: Health buff sila.

Ipinakita ng mag-asawa ang ganda ng kanilang katawang lupa.

Continue reading below ↓

Sa kanilang edad, kabog ang mga pa-tweetums.

Exhibitionist ba sila?

Hindi masyado. Kasi, tinatakam lang nila ang kanilang followers.

Bitin ang pagbubuyangyang nila.

Darating kaya sila sa puntong magse-sexhibition sa social media?

Malabo. May limitasyon ang kanilang kapangahasan.

Ano ang napapala nila sa ganyan?

Libu-libong likes. Pinupusuan maging ng local celebs ang kanilang posts.

Pinag-uusapan sila. Ibinabalita.

Walang ibang local showbiz couple na may ganyang pasabog.

Sa pagle-level up, makakasama kaya nila sa risque photos ang kanilang mga anak?

Kumbaga, “The family that sunbathes together, stays together.”

Abangan!

GORGY RULA: Ang isa nga sa nangantiyaw sa kanila ay si KC Montero, na sinabi niyang kasama pa raw nila sa Palawan ang mommy nila ni Troy.

Ipinost ni KC sa IG account niya na sinasabihan niya ang Mommy nila na pagalitan si Troy.

Ilang beses kong tinatawagan si Aubrey para mahingan sana ng pahayag, pero cannot be reached ang phone niya.

Continue reading below ↓

Nung nasa San Benito sila, hinihingan ko rin siya ng pahayag kaugnay sa drama nilang mag-asawa, pero ayaw niyang magsalita.

NOEL FERRER: Is it a case of PICTURES SPEAK LOUDER THAN WORDS, Tito Gorgy?

Ano’ng say ninyo, PEPsters?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results