Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Shaina-Matteo movie, nate-Thanos sa Infinity War

by PEP Troika
May 3, 2018

JERRY OLEA: Patuloy ang pamamayagpag ng Avengers: Infinity War.

As of May 1, 2018, Tuesday, $808.4M na ang worldwide gross nito.


Ang domestic/North American gross ng Infinity War ay $305.9M na, samantalang sa international market ay humamig na ito ng $502.5M.

Marvelous Marvelous!

Sa Pilipinas ay naka-P850M na ito sa loob ng isang linggo.

Continue reading below ↓

Nate-Thanos ang mga kasabay sa takilya!

NOEL FERRER: Medyo nakakakaba at nakakaawa na rin ang sitwasyon ng pelikula ng Cinema One at Star Cinema na Single/Single nina Shaina Magdayao at Matteo Guidicelli na showing ngayon.


Continue reading below ↓
Recommended Videos

Tulad na lang ng sabi ng isang kaibigan sa panulat, “Sa favorite mall ko sa South, sa apat na sinehan, ni walang Single/ Single.

Continue reading below ↓

"Sa isa pang Southern mall, sliding screening ito.

"Kamusta kaya ito sa ibang sinehan? May mga nanood na ba?

"Wala pa kasi anong binabasang mga kuda at hanash tungkol dito."

Nasaan daw ang manonood at tagasuporta ng pelikulang Pilipino?

Nagbanta pa nga ang kaibigang ito na baka magandang mag-spoiler alert na lang sa Avengers para may tsansa pang ang ibang mabanas dito at sa haba ng pila ay mapunta na sa pagpapanood ng pelikulang Pilipino.

Pero teka, does it follow?

I doubt!!!

GORGY RULA: Heto na nga ang kinatatakutan ng producers.

Next week kasi ang showing ng My 2 Mommies, at sana humupa na niyan ang Avengers fever.


Continue reading below ↓

Definitely may maiiwan pa ring sinehan 'yan, pero sana mabaling na ang attention ng moviegoers sa mga magbubukas pang pelikula, kagaya nitong kina Solenn Heussaff at Paolo Ballesteros.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results