FAMAS: Vice, naunahan pa si Vic sa Dolphy award; Dingdong pang-best actor, Aga pang-supporting actor lang

by PEP Troika
May 3, 2018

JERRY OLEA: Paparangalan si Vice Ganda sa 66th FAMAS Awards bilang unang recipient ng Dolphy Lifetime Achievement Award sa Hunyo 10 sa The Theater at Solaire.


Kahit nagbagong-bihis ang FAMAS, with the respected Ricky Lee as Jury Chairman, nandiyan pa rin ang special awards sa ngalan nina FPJ at German Moreno.

Continue reading below ↓


Pinagbigyan ng pamunuan ng FAMAS ang mga kondisyon ni Ricky Lee bago nito tinanggap ang pagiging Jury Chairman.

Tinanggal na ang kategoryang Best Story, pero nadagdag ang pagkilala sa Best Documentary at Best Short Film.

Sa mainstream films, dalawa lang mula sa Star Cinema ang nakasungkit ng nominasyon—Love You To The Stars and Back at Seven Sundays.

Continue reading below ↓


Best Actor nominees sina Dingdong Dantes (Seven Sundays) at Joshua Garcia (LYTTSAB), at Best Supporting Actor si Aga Muhlach (Seven Sundays).

Best Actress nominee si Julia Barretto (LYTTSAB), at Best Supporting Actress nominee si Cristine Reyes (Seven Sundays).


Continue reading below ↓

GORGY RULA: Maganda ang lineup ng nominees, pero hindi pa rin nawawala ang ilang questions, bakit? Pero choice nila yun.

Kaya lang, di ko kayang palagpasin itong pagpili nila ng Dolphy Lifetime Achievement Award na igagawad kay Vice Ganda.

Bakit hindi muna si Vic Sotto na mas marami nang na-achieve kesa kay Vice kahit consistent siyang box-office winner at most bankable star?

Meron pa ngang Joey de Leon.

Dahil ba sa ABS-CBN ang airing?

Inaasahang maayos din ang pagpili ng winners, at ang dinig ko, iilan lang sila na bumubuo sa jury.

Kaya tama ngang natanong ni Manay Ethel Ramos kung ano na raw ba ang magiging silbi ng members ng FAMAS. Tutunganga na lang daw ba sila?

May sumagot daw sa kanyang kasama na lang daw sila sa audience.

NOEL FERRER: Matatanggap kaya ng kampo ni Aga na supporting actor lang siya sa Seven Sundays?

Oh well, alam naman natin na kanya-kanyang panlasa 'yan pagdating ng mga awards.

Continue reading below ↓

Pero paano mo iko-consider ang composition ng FAMAS ngayon—kung ang Star ay press award, FAP ay guild at peers awards, Urian ay critics, who does FAMAS represent now?

Maganda ring malaman ang ibang nominees.

JERRY OLEA: Ang Best Actress nominees ay sina Gloria Diaz (Si Chedeng at si Apple), Dexter Doria (Paki), Agot Isidro (Changing Partners), Joanna Ampil (Ang Larawan), Nathalie Hart (Historiagraphica Errata), Maja Salvador (I’m Drunk, I Love You), Angeli Bayani (Bagahe), Julia Barretto (Love You To The Stars And Back), Iza Calzado (Bliss), at Max Eigenmann (Kulay Lila Ang Gabi na Binudburan ng mga Bituin).

Ang Best Actor nominees ay sina Allen Dizon (Bomba), Justine Samson (Balangiga: Howling Wilderness), Joshua Garcia (Love You To The Stars And Back), Dingdong Dantes (Seven Sundays), Timothy Castillo (Neo Manila), Abra (Respeto), Jojit Lorenzo (Changing Partners), Noel Comia (Kiko Boksingero), Bembol Roco (What Home Feels Like), at Nonie Buencamino (Smaller and Smaller Circles).

Continue reading below ↓

Ang Best Supporting Actress nominees ay sina Odette Khan (Barboys), Adrienne Vergara (Bliss), Chai Fonacier (Respeto), Yayo Aguila (Kiko Boksingero), Cristine Reyes (Seven Sundays), Irma Adlawan (What Home Feels Like), Angeli Sanoy (Bomba), at Thea Yrastorza (Respeto).

Ang Best Supporting Actor nominees ay sina Ricky Davao (Paki), Dido de la Paz (Respeto), John Arcilla (Birdshot), Robert Arevalo (Ang Larawan), Loonie (Respeto), Jess Mendoza (Sa Gabing Nanahimik Ang Mga Kuliglig), Aga Muhlach (Seven Sundays), Mon Confiado (Mga Gabing Kasinghaba ng Hair Ko), at Edgar Allan Guzman (Deadma Walking).

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results