FAMAS, nagbabagong-bihis sa pangunguna ni Ricky Lee; indie films, dinomina ang nominasyon

JERRY OLEA: Dominated ng indie films ang 66th FAMAS Awards, kung saan si Ricky Lee ang Jury Chairman.

Sa sampung Best Picture nominees, isa lang ang mainstream—ang Love You To The Stars And Back ng Star Cinema, kung saan ang mga bidang sina Julia Barretto at Joshua Garcia ay nominadong Best Actress at Best Actor, respectively.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Love You To The Stars and Back

Ang siyam pang nominadong Best Picture ay Respeto, Birdshot, Ang Larawan, Tu Pug Imatuy (The Right To Kill), Balangiga: Howling Wilderness, The Chanters, Nervous Translation, Paki, at Yield (na isa rin sa tatlong nominadong Best Documentary).


Respeto

Walo lamang ang nominadong Best Director: sina Treb Monteras (Respeto), Mikhail Red (Birdshot), Arnel Barbarona (Tu Pug Imatuy), Antoinette Jadaone (Love You To The Stars And Back), Thop Nazareno (Kiko Boksingero), Khavn de la Cruz (Balangiga: Howling Wilderness), Shireen Shireen Seno (Nervous Translation), at Victor Delotavo Tagaro & Toshiko Uriu (Yield).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nganga ang mga direktor ng Paki, The Chanters, at Ang Larawan.

Nominado ang direktor ng Kiko Boksingero, pero ligwak ganern ang pelikula sa kategoryang Best Picture.


Kiko Boksingero

Tatlo ang nominadong Best Adapted Screenplay—Ang Larawan, Changing Partners, at Smaller and Smaller Circles.

Pito ang nominadong Best Original Screenplay—Paki, Respeto, Balangiga: Howling Wilderness, Love You To The Stars And Back, The Chanters, Si Chedeng At Si Apple, at Instalado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tatlo ang nominadong Best Documentary Film—God Bliss Our Home, Sa Palad Ng Dantaong Kulang, at Yield.

Kuwento ni Ricky Lee, "Noong in-assemble namin ang Jury para sa tatlong sections, may ilang bagay kaming nilinaw, e.

"Una, sinabi namin, ayaw namin ng distinctions ng mainstream, indie... ang importante, Filipino film siya. And excellent Filipino picture siya.

"Otherwise, walang biases. Walang prejudices. Tiningnan namin siya bilang pelikula. Iyon ang una.

"Ikalawa, sabi namin, while awards body, and competition in a way, i-emphasize natin ang pagse-celebrate sa magagandang pelikula at achievements sa industriya natin.

"So, parang ang pinipili namin ay yung 10 outstanding films, rather than yung naglalaban-laban.

"Eight outstanding performances, rather than yung labanan.

"That's why napagpasyahan naming lahat na lahat ng nominees, ipapalabas two or three weeks before the awards night sa iba't ibang mga sinehan—from Centenario, UP Film Center, '76, Black Maria, and FDCP...

"Para ma-feel ng... para magkaroon ng chance na mapanood sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But more important than that, para maramdaman ng mga tao na ito yung mga outstanding na pelikulang Pilipino, regardless kung sino ang mananalo o hindi.

"Na para bang nanalo na sila. So, in that spirit, kami lahat nag-deliberate.

"Nahirapan kaming mag-deliberate dahil ang daming magaganda, at masakit sa dibdib... habang... I mean, binuno talaga, e.

"Ang sakit sa dibdib na may mga hindi namin maisama because walo na o sampu na. Ganun kahuhusay yung napanood namin.

"But it was very fair and objective, duly composed of academicians, critics, film practitioners."?

Si Direktor Lav Diaz ang pagkakalooban ng Lifetime Achievement Award.

Hindi pa tiyak kung meron o walang special awards na gaya ng Stars of the Night, at Faces of the Night.

Ang FAMAS 66th Gabi ng Parangal ay gaganapin sa Hunyo 10 sa The Theater at Solaire.

NOEL FERRER: Maganda ang pagbabagong-bihis ng FAMAS sa pangunguna ni Ricky Lee.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After all, ito pa rin ang may pinakamayaman at makulay na history sa lahat ng local award-giving bodies, at lagi kong sinasabi, na ito ang trophy na may bigat!

Ang tanong ko nga, paano humantong dito ang pagbabago? Ano na ang nangyari sa grupo nina Art de Padua at Joe Lad Santos na sobrang active sa FAMAS noon?

Change has come sa FAMAS. Sabi nga ng iba, parang Urian ang choices nila ng nominees.

Maganda 'yan, para ma-challenge din ang mga Manunuri na magkaroon ng education program aside from the awards ceremonies.

Welcome sa atin ang pagpapalabas ng mga pelikula ulit—at pagkakaroon ng forum at talakayan pagkatapos!

Welcome back at salamat sa panibagong buhay sa FAMAS!!!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close