Janella-Jameson loveteam, hindi tanggap ng ElNella fans; Mother Lily: "Hindi na uso ang love team"

JERRY OLEA: Matapos ang pelikulang My Fairy Tail Love Story, pinaghiwalay ng Regal Entertainment ang ElNella.

Si Jane de Leon (lumabas sa pelikulang The Debutantes) ang love interest ni Elmo Magalona sa pelikulang Walwal, samantalang si Jameson Blake ang leading man ni Janella Savador sa pelikulang So Connected na ipapalabas sa Mayo 23.

“Hindi na uso ang love team!” bulalas ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde sa presscon ng So Connected nitong Mayo 3, Huwebes ng gabi, sa Valencia Mansion, QC.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umapela si Janella sa ElNella fans para huwag maging nega ang promo ng movie nila ni Jameson.

Matamang pahayag ng dalaga, “Siyempre naman, hindi maiiwasan na they felt bad. They felt hurt, and some of them, of course, released some harsh words.

“But ako naman, naiintindihan ko din naman, siyempre, they will get hurt because they are rooting for two people to be together and... nahiwalay.

“Pero at the same time, ahh... I understand them, but sana lang, if they don’t like to support the movie, don’t say hurtful words na lang.

“Ako lang kasi, iwas-negativity ako. So, I really... all I want to say is, sana, if you want to support the love team, support the love team you want to support, but you don’t have to say harsh words to others...

“I already told them what I want them to know. I understand naman their pain, siyempre, seeing your two idols na mag-work separately.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It really is hard for them. But... ‘yon, sana lang, ahh... be smart with our words... we don’t hurt people intentionally for no reason.

“And if you have to fight back, kunwari may nag-ano sa ‘yo... kung gusto nilang mag-fight back, think about it muna 100 times before you fight back, and make sure yung sasagutin mo is still... not gonna hurt the other person, not meant to hurt, but meant to defend yourself. Yun lang.”

NOEL FERRER: Sana nga ay merong screen chemistry sina Janella at Jameson para mag-work ang pelikulang So Connected ni Jason Paul Laxamana.

Yes, hindi naman sila sa totoong buhay, pero kung magawa nilang paniwalain tayo na ok sila, e, di masaya.

Sana rin naayos na ang pagta-Tagalog ni Jameson, because while he has the charm and he knows naman how to act, medyo nakakatagal sa shoot (tulad ng sa Allergic sa Wifi ang handicap sa language).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Oh well, sana talaga kumita itong mga nag eeksperimentong pelikulang tulad nito!

GORGY RULA: Aminado si Jameson na hindi siya sanay na naba-bash kaya nasasaktan siya sa mga sinasabi ng ilang ElNella fans laban sa kanya.

Kagaya nung nakaraang birthday ni Janella, binati niya ang young actress sa Instagam account na tinawag niyang Tricia, ang karakter ni Janella sa So Connected.

Nagalit daw ang ibang fans na sinasabihan siyang user. Sana hindi na raw ginamit si Janella para sumikat lang.

Sana hinayaan na raw muna ang araw na yun para kina Janella at Elmo Magalona.

Sabi pa ni Jameson, “Actually, hindi naman po ako masyadong sanay sa mga bashing, pero as I experienced sa team-up namin… isa talaga dun yung hurtful words din.

“But I can’t do anything kasi that’s their opinion, that’s what they think. I just want to tell them na to watch it muna.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sana nga huwag nang haluan ng kanegahan at manahimik na lang muna ang fans kung hindi nila tanggap si Jameson para kay Janella.

Pero marami naman daw Janella fans na all-out ang suporta nila sa young actress kahit hindi si Elmo ang ka-partner nito.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close