Avengers: Infinity War, umabot na sa P1 billion ang kinita sa Pinas; Pinoy films, kumusta na?

by PEP Troika
May 4, 2018

JERRY OLEA: As of May 2, Wednesday, umabot na sa $857.5M ang worldwide gross ng Avengers: Infinity War.

$322.8M na ang domestic gross nito, samantalang $534.7M ang international gross nito.


Avengers: Infinity War

Sabi ng isang showbiz insider na nakausap namin noong Huwebes ng gabi sa QC, sa Pilipinas ay umabot na sa P1B ang kinita ng Infinity War.

Continue reading below ↓

Aniya, “Walang Filipino film na nangahas tumapat sa Avengers. Alam ng producers at theater owners na malakas ito.

“Iyong pre-selling kasi ng tickets, iyong block screenings, P50M na agad, e, matagal pa ang showing.”

Andaming nalungkot sa sinapit ng Single/Single: Love Is Not Enough (starring Shaina Magdayao & Matteo Guidicelli) na nagbukas sa 140 sinehan noong Miyerkules.


Continue reading below ↓

Single/Single

Totoo bang more or less ay P500,000 lamang ang first-day gross nito?

Naso-sold out pa rin kasi ang screenings ng Infinity War, at marami ang umuulit para panoorin ito.

Hopefully, hindi maapektuhan ng Avengers ang showing ng My 2 Mommies (starring Paolo Ballesteros & Solenn Heussaff) at #SquadGoals (Julian Trono, Jack Reid) sa Mayo 9.


Continue reading below ↓

My 2 Mommies

Mother’s Day presentation ito ng Regal Entertainment.

Sa Mayo 16, makikipagsabong ang Kasal (starring Bea Alonzo, Paulo Avelino, and Derek Ramsay) sa Deadpool 2.


Kasal

Good luck!

Iyon na rin ang wish namin para sa Citizen Jake (starring Atom Araullo) at So Connected (starring Janella Salvador & Jameson Blake) na magso-showing sa Mayo 23.

Continue reading below ↓


Citizen Jake


Continue reading below ↓

So Connected

Inaabangan ng moviegoers ang pagpapalabas sa Hunyo ng Incredibles 2 at Jurassic World: Fallen Kingdom.

Ang masaklap pa, may bulung-bulungang ia-abolish na ang CEB (Cinema Evaluation Board), na nagrerekomenda ng tax rebate sa magagandang pelikula.

GORGY RULA: Ayon sa aming reliable source, as of yesterday, May 3, naka-P900M na ang Avengers at inaasahang makaka-isang bilyon na ito bukas.

Ang dami raw kasing repeat audience kaya hindi pa rin humuhupa, super lakas pa rin.

Aminado si Mother Lily na maaring maapektuhan ang My 2 Mommies niya na magsu-showing na sa May 9, bilang Mother’s Day presentation ng Regal Films.

Kaya sana puspusan pa rin ang promo para mapansin naman ng mga manonood.

Sabi nga ni Rosele Monteverde, wala naman silang magagawa kung nandiyan pa rin ang Avengers at nananatili pa rin ang lakas.

Alangan namang manahimik na lang daw silang producers? Dapat huwag panghinaan ng loob. Patuloy pa ring magpapalabas ng mga pelikulang atin.

Continue reading below ↓

Kaya sana suportahan naman ang Single/Single na may natitira pa rin namang sinehan, ang My 2 Mommies sa May 9, ang Kasal sa May 16, at ang So Connected sa May 23.

Tungkol naman sa isyu ng Cinema Evaluation Board, natawa na lang ang isang miyembro sa tsismis na 'yan dahil matagal na raw nilang naririnig 'yan, pero nandiyan pa rin naman ang CEB.

Hintayin na lang daw nila kung tatanggalin na ang naturang ahensiya o hindi.

NOEL FERRER: We are the movies that we watch.

Ibig sabihin, huwag tayong magreklamo kung hindi yung nga gusto nating Filipino movies ang napo-produce, lalo na kung hindi naman natin tatangkilikin ang mga magagandang pelikulang inihahain sa atin.

Sana hindi pa rin tumigil ang grupo ni Ronald Arguelles ng Cinema One sa pag-produce ng maaayos na pelikula, tulad ng Changing Partners at Single/Single, kahit medyo kinulang sa kita sa takilya.

Ang tanong, nasaan na ang maiingay na nagtatanong kung saan ang mahuhusay na pelikulang Pilipino—nasa Avengers din?

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
pep troika, Avengers
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results