Up to 45K-peso ticket sa Bruno Mars, hindi ininda ng mga stars na nanood!

by PEP Troika
May 5, 2018

NOEL FERRER: Grabe ang impact ng dalawang gabi na 24K Magic World Tour 2018 ni Bruno Mars na dinagsa ng mga taga-showbiz katulad nina Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Charlene Gonzalez, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Iza Calzado, Ruru Madrid, Rowell at Randy Santiago, Jay Durias, The Company members, Aiza Seguerra at Liza Dino.

Ngunit kakaiba ang nasaksihan ng mag-inang ZsaZsa Padilla at Karylle na biglang may nag-propose sa kasintahan niya ng kasal (with matching engagement ring) habang kinakanta ang “Marry Me” on stage.

Kuhang-kuha ang moment na iyun sa IG post ng Divine Diva.

Ang saya lang dahil maraming naaliw at sumuporta sa isang premyadong international artist na may dugong Pinoy.


JERRY OLEA: Namamayagpag sa mga sinehan ang Avengers: Infinity War... pinakamalakas na pelikula sa takilya ng lupang hinirang.

Dalawang gabing umariba sa Mall of Asia Arena ang 24K Magic World Tour 2018.

Isang gabi lang sana ang concert na iyon ni Bruno Mars, e, ang bilis na naubos ang tickets, kaya naging dalawang gabi ang kanyang palabas.

Continue reading below ↓

Post ni Sharon Cuneta sa Facebook, "I had to leave the Bruno Mars concert early with Gugie and Yellie, but left Kakie and her friends and even our Yayas and Peachy, Penny and Beyoncé Jeff Aromin with my son (nephew) Daniel to finish the show kasi I want them to enjoy naman!

"Yellie’s a bit sick, Gugie couldn’t stand the loud fireworks (‘I think it’s better Mama if we watch Bruno on your laptop while we’re eating!’ Oo nga naman hahaha!).

"And me—well—I’m Mama! I go where my littlest ones go even if I LOOOOVE BRUNO!

"(Ibang usapan pag si Gong Yoo [Train to Busan actor] ang nasa concert. Walang sasama sa akin na anak ko. Makikipagsuntukan ako pag di ako pinalapit sa stage kasi aakyat ako 'tapos sama na ako sa Korea!!! Hahaha! Naisingit din!)

“Galing ni Bruno kahit na he is a bit paos tonight. Left during song #3 or 4 pa lang but it’s okay.

Continue reading below ↓

"Kakatuwa also—small kuwento—Bruno’s bodyguard who flew in from the U.S. 3 days ago daw was my bodyguard in one of my U.S. shows. He’s Fil-Am.

“Proud ako siyempre! Hahaha!”

GORGY RULA: Naalala ko pang kinukuwento ni Ogie Alcasid nung pinu-promote pa lang nila ang Valentine concert nila nina Martin Nievera, Erik Santos, at Regine Velasquez, bumili na raw siya nun ng ticket ni Bruno Mars worth 45 thousand pesos.

Pikit mata raw niyang binili dahil gusto talaga nila mapanood.

Kaya may mga hanash pa nun na sana ganundin ang pagtangkilik ng mga kababayan natin sa ating mga concert artists.

Pero in fairness naman sa This 15 Me concert ni Sarah Geronimo, maaga ring na-sold out ang tickets at humihirit pa raw noon ang Viva na mag-second night pero ayaw daw ni Sarah dahil nakatakda na itong dumalo sa Boracay wedding nina Rachel Ann Go at Martin Spies.

Kaya masigla naman ang live performance industry natin kahit papano. Huwag na lang sana mapagod ang mga magagaling nating performers kagaya nina Regine, Martin, Ogie, marami pa, at pati na rin sana si Sarah.

Continue reading below ↓

Hindi pa naman siguro napapagod si Bruno Mars, no? Ang dami pa niyang napapasaya lalo na ang mga kababayan niyang Pinoy.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results