Shalala, takam na takam sa ostrich egg

by PEP Troika
May 5, 2018

JERRY OLEA: Sarap na sarap si Shalala sa itlog na natikman niya noong Mayo 1, Martes, sa isang rancho sa Teresa, Rizal.


Kuwento ni Shalala nitong nakaraang Mayo 3, Huwebes ng gabi, sa isang bahay sa Brgy. Palanan, Makati City, “Kinuha ako ng isang richie-richie family sa Teresa para mag-host ng outreach program sa kanilang farm.

Continue reading below ↓

"Meron doong libreng tuli, libreng gupit, pati legal advice. 'Tapos, nagbigay sila ng school bags.

"Tuwang-tuwa si Mayor dahil pinasaya ko sila, lalo na iyong mga nagpatuli, na mga 8 years old.

"Pinakamalaki, 16... Ang saya!

"Ang daming ano... mga guwapong nars!”

"Walang political agenda ang yayamaning pamilya na nag-sponsor ng outreach program.

Lahad pa ni Shalala, “Tuyo ang nagustuhan ko sa inihanda nilang breakfast. Ayoko ng mga hotdog.

"‘May itlog kayo?’ ‘Meroooon!’ Naghain sila ng fried egg.

"Aba... masarap! Nagulat ako... Ang sarap-sarap!

"Sabi ko, ‘Ano ‘to? Ang sarap ng itlog na ‘to! Anong inilagay ninyo?’ ‘Ostrich ‘yan!’


Continue reading below ↓

"Pagkabigay nila ng TF sa akin, may addi na gift... pagkalaki-laking itlog! Ostrich egg. Ang bigat!

"Teka... paano ko ito lulutuin? Paano ko kakainin?

"Ang laki-laki! Natatakot ako! Paano ko siya bubuksan?

"Ang gagawin ko raw, bubutasan ko lang ng gano’n at kukuha ako ng konti na ipa-fry.

"Sabi pa sa akin, suwerte iyong shell. Huwag ko raw itatapon. Suwerte raw iyon sa pera.

"E, nangangailangan ako ng datung, di ba? Pinost ko pa sa Facebook, sinong may gustong kumain ng pagkalaki-laking itlog na ‘yan?

"Andaming nagsabi. Sabi ko, punta sila sa bahay.

"Inaway ako ni Tito Ed [de Leon], ‘Po-post-post ka ng ganun, ang mahal ng itlog na ‘yan, limang libo [P5,000], gago!’ Ha! Ha! Ha! Ha!”

GORGY RULA: Naalala ko dati sa farm ng dating Sen. Ramon Revilla Sr. sa Cavite, may mga alaga silang ostrich.

Deadma kami sa itlog na sini-serve minsan.

Ang naalala ko lang, sinasabi nilang sobrang taas ng cholesterol ng itlog ng ostrich.

Continue reading below ↓

Kaya ingat ingat din sa ganung itlog o kahit anong klaseng itlog.

Kung alam ko lang na ganun kamahal ang itlog ng ostrich, sana nag-uwi na ako nun pa!

NOEL FERRER: Dati mayroon ding tinda na ostrich egg sa mga weekend bazaars. Malaki nga ito at mahal.

Sayang naman ang pagkakataon ni Shalala na magkaroon ng malaki at mahal na itlog.

Kapag itinanong, “How do you want your egg?” puwede bang isagot, “Like ostrich?”

Hehehe! Ingat lang sa cholesterol ha?

Read Next
Read More Stories About
Shalala, pep troika
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results