Vice Ganda, deserving bang maging unang recipient ng Dolphy King of Comedy Award?

by PEP Troika
May 7, 2018

JERRY OLEA: Akala ko ay taglay na ni Vice Ganda ang lahat...

Kagandahan. Talino. Yaman. Kabutihang-loob at pagmamalasakit sa kapwa. Pagmamahal ng pamilya at milyun-milyong tagahanga.


Kaya napangiti ako at natuwa na siya ang unang tatanggap ng special award sa 66th FAMAS na isinunod kay Dolphy, ang undisputed King of Comedy.

Continue reading below ↓

Pakiwari ko, karapat-dapat igawad sa kanya ang parangal bilang pagkilala sa kanyang husay sa pagpapatawa.

PERO... nakilala rin si Dolphy sa kanyang kababaang-loob.

Tinanggap ni Dolphy ang masasakit na batikos nang iwan niya si Alma Moreno sa ngalan ng pag-ibig niya kay Zsa Zsa Padilla.

Ininda man ni Dolphy ang kirot, at bumagsak man ang kanyang career, tumahimik lamang siya.

Sa paglipas ng taon, nakabangon si Dolphy.

Sa kabila ng lahat, mahal pa rin si Dolphy ng balana.

Isang tunay na alamat.

Nakakalungkot na hindi ganoon si Vice Ganda.

Nakakalungkot na nagpadala si Vice Ganda sa simbuyo ng kanyang galit, sa halip na ipagkibit-balikat ang opinyon ng kasamang Gorgy Rula na kesyo mas karapat-dapat si Vic Sotto sa Dolphy King of Comedy award ng 66th FAMAS Awards, lalo pa’t nagkasama sina Vic at Dolphy sa pelikulang Dobol Trobol: Let’s Get Redi 2 Rambol (2008).

Nakakalungkot na ang munting pitik ay sinuklian ni Vice Ganda ng matinding tadyak.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: I was able to communicate with Eric Quizon who is in Hong Kong when I messaged him.

Sabi niya, aware siya sa special award named after his father.

And in an interview with the producer of FAMAS and its officers, they also pointed to the family as being aware of the choice.

Wala namang problema sa choice nila na si Vice Ganda, congratulations kay Vice at kailangan namang respetuhin ang choice ng iba’t ibang nagbibigay ng gawad.

Ang na-flag lang siguro na mga questions ng mga tao based on the reactions sa mga posts ay: Were there other NOMINEES and OPTIONS for the award? Ano ang criteria ng pagkakapili? At kunsiderasyon ba na ang airing ng awards presentation ay sa ABS-CBN kaya dapat ABS-CBN star dapat ang pagkalooban ng award?

In fairness kay Vice, he can just say labas siya sa pilian at, aminin naman natin, deserving naman siya talaga, and for sure, hindi naman din niya hiningi ang award na iyan.

Continue reading below ↓

Best for Vice to choose his battles, dahil sa pagbasa ko ulit ng item na lumabas, hindi naman kasi siya inaaway ni Gorgy. Nag-express lang ang aming ka-Troika ng kanyang opinyon.

Best to be magnanimous in victory, really!

GORGY RULA: Hindi ko na po sana sasagutin ang mahabang litanya ni Vice Ganda na ipinost sa kanyang Twitter account kaugnay sa komento ko sa item dito sa PEP Troika na “FAMAS: Vice, naunahan pa si Vic sa Dolphy award…”

Naisip ko, kasi galing sa mahabang biyahe ang comedian/TV host at baka groggy (o Grogy Rula ba?) lang siya kaya kung anu-ano na ang naisip niya nang nakarating sa kanya ang item na yun.

Nabanggit na po ng dalawang ka-Troika ko ang ilang puntos kung bakit ako nakapagkomentong si Vic Sotto dapat muna ang gawaran ng Dolphy Lifetime Achievement Award.

Heto na lang po ang ilan pang karagdagang gusto kong iparating.

Ang una po kasing pumasok sa isipan ko ay kung ano ang koneksiyon ni Mang Dolphy bilang King of Comedy kay Vic na tinaguriang Prince of Comedy.

Continue reading below ↓

Nung ginawa nila ang Dobol Trobol taong 2008, ilang beses bang sinasabi ni Mang Dolphy sa mga interview niya na walang ibang papalit sa trono niya kundi ang Prince of Comedy na si Vic Sotto.

Puwede nating sabihing, "siyempre promo ng pelikula nila," pero sa totoo lang, sinabi pa rin yun ni Mang Dolphy.

Kaya nung binanggit sa press launch ng FAMAS na ngayong taon ay first time nilang igagawad ang award na Dolphy Lifetime Achievement Award, si Vic Sotto ang unang pumasok sa isipan ko.

Pero nagkamali ako, si Vice Ganda pala.

Kaya ang initial reaction ko sa aking komento sa item na yun sa PEP Troika, dapat kay Vic muna bago nila ibigay sa iba, kagaya ni Vice.

Iyon po ay opinyon ko lamang. Puwedeng ayunan o kontrahin.

Pero hindi ko po sinabi yun dahil lang sa bugso ng damdamin, iyon po ay may mga basehan na tingin ko puwedeng i-consider ng mga nangangasiwa sa pagbabago ngayon ng FAMAS.

Continue reading below ↓

Simple lang naman po. I-Google niyo lang ang Dolphy-Vic Sotto, maraming maglalabasang item na may koneksiyon sa dalawa, o may pinagsamahan sila.

Subukan niyo rin pong i-Google ang Dolphy-Vice Ganda. Alamin nyo na lang.

Ang isa pang nakita kong basehan, tatlong taon na ang nakararaan, sa 63rd FAMAS Awards, ginawaran sina Tito, Vic and Joey ng Lifetime Achievement Award ng FAMAS.

Ito ang maituturing na pinakamalaking special award na ipinamamahagi ng naturang award-giving body.

Kasama si Vic Sotto diyan.

At kaya ginawaran ng naturang special award hindi dahil sa larangan ng drama, aksyon o pagkanta, kundi dahil sa na-achieve nila sa pagpapatawa bukod sa hosting job nila sa longest-running noontime variety show, ang Eat Bulaga.

Kaya sa aking pananaw (na maaaring taliwas sa iba), si Vic ang mas karapat-dapat sa ngayon at hindi muna si Vice Ganda.

Hindi ko sinabing walang karapatan si Vice Ganda.

Ngayon, sa iba pang mga sinasabi ni Vice sa kanyang Twitter posts na hindi niya ako kilala, okay lang yun sa akin.

Continue reading below ↓

Marami naman talaga ang hindi nakakakilala sa akin. Nagtataka nga ako bakit pa ako pinatulan ng isang Vice Ganda.

Kung sinasabi niyang naramdaman niyang hindi ako masaya sa tagumpay niya, bakit naman ako magkaroon ng damdamin sa tagumpay niya gayong hindi naman kami magkakilala nang personal?

Parang ang plastik ko namang sabihin na “masaya ako sa nakamit mong tagumpay,” gayong hindi naman kami magkakilala?

Pero salamat na rin, Vice, na sa kabila niyan ay nag-iisip ka pa rin kung paano ako pasayahin. Dahil sabi mo nga, you want to make people happy.

Sana maramdaman kong totoo 'yang sinasabi mo kahit hindi mo ako kilala.

Sana walang bahid ng pang-iinsulto ang sinasabi mong 'yan, dahil mababaw lang naman ang kaligayahan ko.

Sa totoo lang, masaya na ako kahit hindi na tayo nagkakilala nang personal. Napasaya mo naman ang madlang pipol. Okay na yun!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results