Ricky Lee, walang kinalaman sa pagpili ng Dolphy awardee; Vice Ganda, personal choice ng Quizon family

JERRY OLEA: Maganda ang pagbabagong-bihis ng FAMAS.

Sa ika-66 na pagpaparangal nito, kung saan Jury Chairman ang premyadong manunulat na si Ricky Lee, nakakatuwa na may award na isinunod kay Dolphy—ang undisputed King of Comedy sa ating movie industry.

Ang unang gagawaran nito, ang unkabogable na si Vice Ganda.

Kabog si Vic Sotto!

Nasaling ang damdamin ni Vice sa puna na mas may ‘K’ si Vic na maging unang recipient ng Dolphy special award.

Paglilinaw ni Ricky Lee, “Jury head lang ako noong sections sa full-length feature, documentary at short films. At kasali ako sa committee na pumili kay Lav Diaz para sa lifetime achievement award niya.

“Ibang FAMAS committee ang pumili ng para sa Dolphy award. Hindi ako kasama doon.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ang pahayag ng presidente ng FAMAS na si Francia C. Conrado, “Other than the fact that Vice Ganda deserves this special award, Vice is the personal choice of the family of the late King of Comedy.”

NOEL FERRER: Katulad ng nasabi ko na, wala namang problema kung si Vice Ganda ang magwagi ng Dolphy Award, at katulad nga ng sinabi ni Ricky Lee, wala siyang kinalaman dito at ang pamilya ng Comedy King ang namili.

Maganda lang sigurong malaman ang criteria ng award at ang iba pang nakunsidera.

Mahirap sundan ang gawad na ito ha kung tulad ng FPJ Special Award atbp na nasa FAMAS na taon-taong maggagawad.

At ngayong si Vice Ganda nga ang mauunang gawaran, sino ang sasabihan ng "After you, Vice?"

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close