NOEL FERRER: Sunud-sunod ang malungkot na pagpanaw ng mga pet dogs ng mga celebrity.
Nauna nang nag-post si Regine Velasquez ng “Thank you for loving me” sa aso niyang si George, na nakita natin mismong kasama niya sa special occasions sa kanyang buhay.
Kasama 'yan sa concerts niya at maging sa kasal.
Ilang araw ring nag-post si Regine ng photos ni George kasama ng kanyang pamilya.
Sumunod naman ang paglalahad ni Iza sa nangyari sa aso nila ng mapapangasawa niyang si Ben Wintle, si Hugo, na namatay dahil sa pagkain ng isang portion ng plastic, ayon sa autopsy niya.
Nakita ko talaga ang sobrang lungkot at pag-iyak ng couple na ito noong pagkamatay ni Hugo na ginawan pa nila ng social media account.
Isang sociable pet si Hugo at siya ang best friend ni Ben, kaya ganun na lang ang panlulumo nila ni Iza at di nakayanang mag-post agad sa sinapit ng alagang aso.
Tunay ngang extension ng kabutihan ng tao ang alagang pets.
Iba ang attachment dito lalo na kapag nag-assign ka na ng pangalan.
Parang nawalan ng malapit na miyembro ng pamilya sina Regine at Iza.
We are truly sorry for George’s and Hugo’s loss!
JERRY OLEA: E, kasi naman, unconditional ang love ng mga aso sa kanilang amo!
May sense of loyalty sila.
Nakakabawas ng stress ang pag-aalaga sa kanila.
Hindi kailangang mahilig ka sa dog style para maka-relate sa kanilang mga “pangangailangan.”
Basta, huwag kang maging bitchy sa kanila dahil may damdamin din silang marunong masaktan chenes!
GORGY RULA: Alam ng mga ka-Troika ko kung gaano ko ka-love mga doggies ko.
Kaya nga minsan nagmamadali na akong umuwi dahil nami-miss ko na nga alaga kong five doggies.
Kung puwede nga lang, at kung kakayanin, gusto ko pa sanang mag-rescue ng mga napabayaang aso.
Napaka-genuine kasi talaga ang ipinapakitang pagmamahal sa 'yo ng aso kapag ramdam niyang love na love mo siya.
Ngayon nga ay iniisip ko na kung paano ko ihahanda ang sarili ko kapag may pumanaw sa aso ko.
Wala kasing space na paglilibingan sa lugar namin. Kaya nalaman kong meron sa UP, at sa Tagaytay din.
Kapag gusto mong ipa-cremate, medyo mura raw kung dalhin mo sa isang clinic sa Cartimar, at sila mag-asikaso ng cremation.
Ang service fee daw, including ang urn, ay depende sa laki at bigat ng aso.
Nagri-range daw sa P3,000 hanggang P5,000.
Financially, wala naman sigurong problema.
Pero ang hindi ko mawari, kung emotionally ready ba akong mawawalan ng pinakamamahal kong doggie.
