The Cure, kailangan na ng lunas para magtagal pa sa ere?

by PEP Troika
May 8, 2018

JERRY OLEA: Halatang pinagkagastusan ang Kapuso series na The Cure, kung saan bida sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez.

Na-impress kami sa big scenes sa teaser nito.

Mala-Train to Busan ang peg!


Sa presscon ng prime time series na ito, buong-ningning na sinabi ni Direk Mark Reyes na hindi sila natatakot sa makakasabong nilang programa—taga-Manila man o taga-probinsiya.

Continue reading below ↓

Bulung-bulungan ngang tatapusin na sa Setyembre ang FPJ’s Ang Probinsyano, kahit palaging nasa line of 4 ang rating nito sa survey ng Kantar Media.

Pero... ano itong naulinigan namin?

Totoo bang tatapusin agad-agad itong The Cure?

NOEL FERRER: Narinig ko rin ang bulong na 'yan.

Nasabi na before pa ang six-week policy sa GMA.

Kung hindi nagri rate first week mo, bibigyan ka pa ng another week.

Kapag waley pa rin, swak ka na sa six-week policy na candidate na para tigbakin ka na.

Aminin naman nating mahirap talagang tapatan ang formidable na Ang Probinsyano.

Next thing we’ll see, magtitipid na at mali-limit na ang big scenes sa The Cure, na obviously ay kailangan ng “cure.”

Sana’y maagapan pa ito sa emergency ward!

GORGY RULA: Napakaaga pa para sentensiyahan ang The Cure.

Sana konting haba naman ng pisi, kasi di naman ganun kadali mag-develop ng magandang kuwento lalo na't matindi ang katapat.

Continue reading below ↓

Yung Ika-6 na Utos nga, hindi naman agad-agad umarya ang rating. Na-develop na lang habang umuusad ang kuwento.

Sana pagtiyagaan pa muna ang The Cure hanggang sa ma-develop nang husto ang kuwento.

Pinaghandaan pa naman nang husto ni Jennylyn Mercado ang action scenes niya dito.

Sana gawin pa rin ang big scenes na pinapabawasan na raw? Huwag naman sana.

Read Next
Read More Stories About
pep troika, The Cure
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results