Avengers: Infinity War, pinakamabilis na Hollywood film na kumita ng $1 billion worldwide

by PEP Troika
May 8, 2018

JERRY OLEA: Ang Avengers: Infinity War ang pinakamabilis na umabot sa $1B ang global gross.

Nagawa niya ito sa loob ng 11 araw!


As of May 6, Sunday, naka-$1.16B na ito worldwide.

$453.1M na ang domestic gross ng Infinity War, samantalang $714.6M na ang hinamig nito overseas.

Sa Biyernes, Mayo 11, pa ito magbubukas sa China.

Continue reading below ↓

So far, 34 pelikula pa lamang ang umabot sa $1B ang kita sa buong mundo.

Tatlo pa lamang ang umabot sa $2B — Avatar ($2.79B), Titanic ($2.19B), at Star Wars: The Force Awakens ($2.07B).

Aabot kaya sa $2B ang Infinity War?

Ipapalabas na kasi ang Deadpool 2, at susunod ang Incredibles 2 at Jurassic World: Fallen Kingdom.

Inaasahang aariba rin ang mga ito sa takilya.

Paano na ang Pinoy films?
Bukas, May 9, ay palabas na ang My 2 Mommies (Paolo Ballesteros & Solenn Heussaff), #SquadGoals (#FBois), at ang entries ng CineFilipino Film Festival 2018 (Delia & Sammy, The Eternity Between Seconds, Excuse Me Po, Gusto Kita With All My Hypothalamus, Hitboy, Mata Tapang, Mga Mister ni Rosario, at Poon).

Sa Mayo 16 ang showing ng 25th anniversary presentation ng Star Cinema, ang Kasal (Bea Alonzo, Paulo Avelino & Derek Ramsay, directed by Ruel S. Bayani).

Sa Mayo 23 naman ipapalabas ang So Connected (Janella Salvador & Jameson Blake) at Citizen Jake (Atom Araullo).

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: All eyes are on the box office now after The Avengers, and the big summer movies ng Hollywood.

Sana naman, makalusot at tangkilikin ng marami nating mga kababayan ang mga local films na ipapalabas—if only for the good of our local movie industry!

Please, please, see you in the movies!!!

GORGY RULA: Ewan ko ba kay Sir Jerry at talagang sinusubaybayan niya 'yang mga Hollywood films!

Sana focus muna tayo ngayon sa mga pelikula natin na pilit nakipagsabayan sa mga higanteng Hollywood films.

Mabuti na lang at maganda naman at napakagaan panoorin ang My 2 Mommies. Sana mapansin ito ng mga manonood dahil mas nakakatawa rito si Paolo Ballesteros.

Mabuti na lang at si Eric Quizon ang nagdirek nito dahil gamay niya talaga ang ganitong pelikulang kuwelang kabadingan pero puso-pusuan.

Abangan niyo po sana ang My 2 Mommies at mga susunod pang local films pati itong mga entries ng CineFilipino Film Festival.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results