JERRY OLEA: Palabas na ngayong Miyerkules, Mayo 9, ang My 2 Mommies (Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment, starring Paolo Ballesteros & Solenn Heussaff), #SquadGoals (starring #FBois), at ang entries ng CineFilipino Film Festival (CFFF) 2018.
Ang walong full-length feature films ng CFFF 2018 ay ang Delia & Sammy (Rosemarie Gil, Jaime Fabregas, Nico Antonio, & Tessie Tomas), The Eternity Between Seconds (Yeng Constantino & TJ Trinidad), Excuse Me Po (Elizabeth Oropesa & Anna Luna), Gusto Kita With All My Hypothalamus (Ianna Bernardez, Nicco Manalo, & Soliman Cruz), Hitboy (Adrian Cabido, Mon Confiado, Soliman Cruz, Rosanna Roces, & Rea Molina), Mata Tapang (Edgar Allan Guzman, Arron Villaflor, Jerald Napoles & Louise de los Reyes), Mga Mister Ni Rosario (Joross Gamboa, Kate Alejandrino, Ogie Diaz, & Martin del Rosario), at Poon (Glydel Mercado, Shy Carlos, Yayo Aguila, & Mon Confiado).
Palabas ang walong feature films ng CFFF mula ngayon hanggang Mayo 15 sa walong sinehan: Gateway (Cinema 4, Cubao, QC), Greenbelt 1 (Cinema 1, Makati City), SM Fairview (Cinema 12), SM Manila (Cinema �???), SM Megamall (Cinema 5), SM Mall of Asia (Cinema 1), SM North EDSA (Cinema 7), at SM Southmall (Cinema 5).
“The story is king. And the storyteller is the kingmaker,” sabi ni Direk Jose Javier Reyes, festival head ng CFFF competition.
“This has always been the guiding spirit behind Cine Filipino.
“The festival was designed to open new doors for Filipino filmmakers regardless of persuasion or belief, to find a venue to tell their stories and let their voices be heard.”
Ang awards night ng CFFF ay sa Sabado, Mayo 12, sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, QC.
NOEL FERRER: Ang Huling ChaCha Ni Anita at Sakaling Di Makarating ang dalawang pelikula from the past CineFilipino ang masasabi nating napagsama ang artistic excellence at commercial viability.
Sana mas marami pang pelikula sa CineFilipino na magaganda at kikita talaga sa takilya ngayon.
Harinawa.
Magkita-kita tayo sa mga sinehan.
JERRY OLEA: “Everything starts with the story,” pahayag ni Madonna Tarrayo, festival director ng CFFF.
Kuwento ang hari, 'ika nga.
Pagpapatuloy ni Madonna, “It’s the story that drives passionate filmmakers to put their vision into a screenplay.
“It’s the story that makes an actor commit to a role.
“It’s the story that the production team pieces together for several days.
“It’s the story that drives audiences to the cinemas.”
GORGY RULA: Ilang taon na itong CineFilipino, hindi pa rin ganun kainit ang pagtanggap ng mga moviegoers.
Pero patuloy pa rin dahil umaasang papasok na ito sa kamalayan ng ating moviegoers kagaya ng pagpansin nila sa Cinemalaya.
Kagaya nga ng Cinemalaya, sana may mainstream stars nang makakasali sa susunod na CineFilipino dahil magaganda naman ang mga material na pinipii nila taun-taon.
Inaasahang may entry sana rito ang mga kagaya nina Judy Ann Santos, Coco Martin, Piolo Pascual, Dingdong Dantes, at marami pa.
Isa lamang ito sa puwede nating gawin para lalong mapalakas ang ating local films, lalo na ang mga indie na kulang sa pondo para sa promo at publicity.
Baka puwedeng pahingahin na natin ang Avengers.
Pansinin na natin ngayon ang mga pelikulang atin, kagaya nitong sa CineFilipino, pati ang My 2 Mommies na showing na rin ngayon.
Proud na proud nga ang direktor nitong si Eric Quizon na binigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board.