Ellen Adarna: may katuwiran o may tamang hinala?

by PEP Troika
May 9, 2018

JERRY OLEA: Dapat bang mag-apologize si Ellen Adarna sa 17-anyos na dalagitang pinagbintangan niya na paparazza?


Noong Lunes, May 7, nag-post ang ina ng bagets na limang araw ang palugit nila kay Ellen para mag-public apology ito, or else...

Ang hanash ng talent manager na si Lolit Solis na 71-anyos na sa Mayo 20, “Naku, you do what you think is right and fight for it. Para kay Ellen, tama ginawa niya, so, panindigan niya.

Continue reading below ↓

“Kung para sa nanay ng bata, tama sila, ilaban nila.

“Kung ano ang ginawa mo, tanggapin mo ang consequences kahit masakit.

“Go sa inaakala mong tama, di bah?!”

NOEL FERRER: Maaayos ito if both sides are calm and in a better place.

Bakit ba ang init ng loob ng mga tao ngayon? Parang ang daming taong galit?

Dala ba ito ng init din ng panahon, at init na rin sa ating lipunan?

Sabi nga ng mga millennials, CHILL!!!

GORGY RULA: Mukhang may tamang hinala naman yata kasi si Ellen. Tila may pagka-paranoid na yata.

Sana huwag na siyang maglalabas, di ba?

Kung tingin nga niya kinukunan siya nung bata, sana sinita na niya doon para nagkaalaman na.

Hindi nga ako naniniwalang gusto na nilang lumayo sa showbiz dahil active pa rin sila ni John Lloyd Cruz sa social media.

Kung gusto mo nang lumayo sa limelight, tumigil ka muna sa social media at mamuhay nang simple.

Continue reading below ↓

Huwag nang mag-post ng mga nakakaengganyong item para pag-usapan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results