Young JV, sinabing alam ni Miho Nishida ang video scandal niya pero di nila pinag-uusapan

by PEP Troika
May 9, 2018

GORGY RULA: Si Young JV ang isa sa mga male celebrity na nalagpasan ang isyu ng sex video scandal.

Isa siya sa pinakaunang male celebs na may kumalat na sex video, at aminado siyang nahirapan ang pamilya niya kung paano nila ito i-handle.

Si Young JV ang anak ng Philippine Ambassador to Myanmar, ang dating Air Force Lt. Col. Eduardo ‘Red’ Kapunan at Elsa Kapunan. Pamangkin siya ni Atty. Lorna Kapunan.

Ginawa na raw nila ang lahat para ma-trace kung sino ang nagkalat nun wala namang nangyari.

Pero malaki ang natutunan ng actor-singer sa iskandalong yun, at nagpapasalamat siyang nalagpasan niya ito sa suporta ng pamilya at mga kaibigan.

Tuwang-tuwa nga siya dahil sa kabila ng isyung yun, ipinagkatiwala sa kanya ng Megasoft Hygienic Products, Inc. na mag-endorse ng mga produkto nila.

Pormal na ini-launch si Young JV kahapon, May 8, sa Oriental Palace, Quezon City, bilang bagong ambassador ng Megasoft.

Continue reading below ↓

Saad ni Young JV, “Malaking challenge nga po ito sa akin, kasi past will be past.

"Everybody commits mistakes… sa lahat po na ginagawa nila.

"Kaya malaki po yung pasasalamat ko because may trust pa rin sila, at nakikita nila yung capabilities ko bilang artista, bilang performer na mabibigay ko sa Megasoft.”

Sabi naman ni Ms. Aileen Choi-Go ng Megasoft, “Ang gusto kasi naming i-strengthen dito ay yung kung ano ang positive sa kanya, which is yung Lahing Bayani Foundation, at talagang nag-aaral pa rin siya even with his busy schedules.

"Yun talaga yung ipu-promote namin.”


Continue reading below ↓

Si Young JV ay active supporter ng Lahing Bayani Foundation na nagbibigay ng scholarship sa anak ng mga sundalo.

NOEL FERRER: Kumusta na sila ni Miho Nishida ng PBB?


Hindi raw sure si Young JV kung napanood na ng girlfriend niyang PBB alumna ang kanyang kontrobersyal na video.

Continue reading below ↓

Well, he continues to be Young JV kahit hindi na siya young... bakit?

"It talks about his attitude and demeanor, pati na sa music daw.. Forever Young daw.

Gano’n?

GORGY RULA: Sabi ni Young JV, alam daw niyang aware si Miho sa sex video scandal niya, pero hindi na raw nila pinag-uusapan yun.

Ang sinabi lang daw niya kay Miho, tama na yung pagpapabago ng mukha nya.

Sobrang ganda na raw ng girlfriend nya, kaya okay na raw yun.

Nilinaw rin ni Young JV na ang ginagamit niyang pangalan bilang aktor ay si JV Kapunan.

Twenty-seven years old na raw siya at ilang taon na lang, hindi na nya puwedeng gamitin ang Young JV.

JERRY OLEA: Dahil kay Young JV, napag-usapan muli sa isang umpukan ng showbiz writers ang iba pang local male celebs na may ganoong isyu.

Malaki ang impact ng payanig ni Joross Gamboa.

Dakilang direktor na si Joross. Bida pa ito sa pelikulang Mga Mister ni Rosario na kalahok sa CineFilipino Film Festival.

Continue reading below ↓

Napakabangus ng scandalicious videos ni Dr. Hayden Kho Jr.

Nabulabog ang diwa ng mga diwata kay Mark Neumann, na may sinu-shoot ngayong movie.

Si Michael Pangilinan yata ang pinakamahilig gumawa ng ganoong palabas?

Kagaya ng kay Young JV, hindi masyadong na-impress ang mga bekibelle sa pasabog nina Jason Abalos, Carlos Morales, at Andrew Wolff.

Mas may ella factor iyong pa-Batibot nina Mike Acuña, Jordan Herrera, at Mark Herras.

Si Paolo Bediones, dumulog sa kinauukulan, pero wala ring kinahinatnan ang reklamo sa “Videones.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results