Restored version ng French film starring Filipino actors, ipalalabas sa Cannes

by PEP Troika
May 11, 2018

JERRY OLEA: Ipapalabas ang restored version ng French-Filipino film na Cinq et la peau (Five and the Skin) sa Mayo 14, Lunes, sa 71st Cannes Film Festival sa France.

Bida sa pelikula sina Feodor Atkine at Eiko Matsuda.


Kasama sa cast nito ang Filipino actors na sina Gloria Diaz, Bembol Roco, Phillip Salvador, at Joel Lamangan.

Continue reading below ↓

Ang buong pelikula ay kinunan sa Pilipinas at itinampok sa Cannes 'Un Certain Regard noong Mayo 1982.

Ang Five and the Skin ay tungkol sa isang manunulat na nagbalik at nagpalibut-libot sa Maynila upang hanapin ang kanyang sarili.

Ang direktor ng pelikula na si Pierre Rissient ay pumanaw noong Mayo 5, 2018 sa edad na 81.

Siya sana ang magpapakilala ng pelikula sa Cannes Directors’ Fortnight.

Pahayag ni Direk Joel Lamangan, “Si Pierre ang nagdala kay Lino Brocka sa Cannes. Siya rin ang dahilan kung paano nakilala ang pelikulang Pilipino sa prestihiyosong pestival ng Cannes!

“Malaki ang utang na loob ng pelikulang Pilipino kay Pierre Rissient!”

Dumalo si Pierre sa mga kaganapan ng Film Development Council of the Philippines.

Ang huling bisita niya sa Pilipinas ay noong World Premiere Film Festival taong 2016.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Maganda ang ganitong mga restoration projects, lalo na sa mga landmark films at classics.

CCP, Digital Lab and the ABS Restoration Group are active in this na.

Kailan kaya susunod ang Regal at Viva para ma-restore ang mga paborito nating pelikulang tulad ng Sister Stella L, Scorpio Nights, Beloved, Saan Darating Ang Umaga, Unfaithful Wife, at marami pang iba?

Kayo, ano ang mga favorite Filipino films ninyo na gustong i-restore?

Read Next
Read More Stories About
pep troika, film restoration
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results