Matthias Rhoads, nag-renew ng kontrata sa GMA Artist Center; may guest role sa teleserye ni Alden

by PEP Troika
May 12, 2018

JERRY OLEA: Pinagpala si Matthias Rhoads!

Pumirma muli si Matthias ng one-year contract sa GMA Artist Center nitong Mayo 11, Biyernes ng hapon.

“Sobrang masaya at thankful ako na kasi, there’s a lot of new things to look forward to but are confidential,” masayang sabi ni Matthias, na nakatambal ni Marian Rivera sa Super Ma’am.

May mga nakalinya nang proyekto para sa kanya, kabilang ang guest role sa bagong Kapuso prime-time series ni Alden Richards (na ewan kung Mitho o Victor Magtanggol ang title).

Kinuha rin si Matthias bilang endorser ng isang body wash.

Habang hindi abala, nakahiligan ni Matthias na i-blog ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas, lalo na ang beaches.

Talap-talap ang mga pa-abs ni Matthias sa Instagram, huh?!

GORGY RULA: Parang may kinalaman nga sa bina-blog ni Matthias ang show na ibibigay sa kanya. Abangan na lang daw.

Sobrang happy nga siya dahil kasabay ng renewal niya sa GMA-7, nag renew na rin siya for another year sa isang endorsement nya.

Continue reading below ↓

Kaya tama raw ang desisyon niyang iwan ang career niya sa New York para pasukin ang showbiz dito.

Alam niyo bang kaya pinili niyang mag-manage sa kanya ang Prima Stella Talent Management, kasama ang GMA Artist Center, dahil parang nabastusan siya sa ilang staff ng isang management group na gusto rin sanang mag-handle sa kanya?

NOEL FERRER: Obviously, may star value siya talaga... sana mahasa pa siya sa pag-arte para may added skill sa kanyang pagmo-model.

At sana maging matatas din ang pagta-Tagalog niya para mas maraming roles ang puwede niyang magampanan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results