Tina Paner at Monching Gutierrez, puwede magkabalikan?

by PEP Troika
May 12, 2018

GORGY RULA: Mariing itinanggi ni Tina Paner na nagkakamabutihan na sila ni Monching Gutierrez.

Matagal na palang tinutukso ang dalawa, lalo na kapag nandiyan sina Annabelle Rama, mga kapatid nitong sina Ruffa at Tonton Gutierrez, pati ang ina niyang si Daisy Romualdez.

Nagkakasama pala ang dalawa sa ibang shows sa probinsiya at doon nagsimulang kantiyawan sila dahil sa closeness nilang dalawa.

“Wala talaga. Kaibigan, nagkasama lang kami sa show sa PAGCOR,” pakli ni Tina sa presscon ng bagong serye ng GMA Telebabad na Inday Will Always Love You.


Continue reading below ↓

Kahit nga ang co-star niyang si Gladys Reyes ay nagbubuyo ring sagutin na raw si Monching. Pero tigas ang tanggi ni Tina dahil wala namang panliligaw na nangyayari.

Sinundan na rin namin ng tanong si Tina na kung sakali, handa na ba siyang ma-in love uli?

“Sa akin naman kasi parang ano, e…hindi ko priority.

“Hindi yun ang pinaka-top priority ko na dapat ma-in love ako. Dapat makahanap ako ng partner. Kasi pagdating ng someone special sa yo, kusang darating kung talaga yun yung tamang panahon na para sa ‘yo,” saad ng singer/actress.

Na-link din kasi dati sina Monching at Tina nung kainitan ng loveteam nila na si Tina ay kay Cris Villanueva at kay Lotlot de Leon naman si Monching.

Kaya sabi nga namin, baka naman talaga ang ending ay sila na ni Monching.

Nakikita ba niya ang sariling may makakasamang lifetime partner?

“Siyempre, para sa akin gusto rin yung sana dumating ako sa point na pag tumanda ako, meron akong someone special na makakasama ko.

Continue reading below ↓

“Kaya lang, sabi ko nga kung binigay ng Diyos na talagang maging single ako, I don’t know, hindi ko rin alam,” pahayag ng isa sa mga stars ng Inday Will Always Love You na magsisimula na sa May 21.


JERRY OLEA: Sa pagkakatanda ko, sina Tina at Monching ang magkasintahan noon sa That’s Entertainment.

Kaso, nagkamabutihan sina Monching at Lotlot, at nag-click ang kanilang love team.

Doon pa lang pumasok si Cris bilang ka-love team ni Tina, at leading man sa 1989 launching movie na Tamis ng Unang Halik (originally titled Pepay Paypay).

Nagpakasal sina Lotlot at Monching noong 1989. Nagkaroon ng apat na anak (kabilang si Janine Gutierrez), at nagkahiwalay noong 2010.

Hindi nagkatuluyan sina Tina at Cris.

2003 nanirahan si Tina sa Spain. Nagkaanak siya roon.

2013 bumalik sa bansa si Tina kasama ang kanyang daughter.

May “nakaraan” sina Tina at Monching kaya binubuyo sila.

Ang peg ay sina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Pero nag-iba na yata ang landasin nina Tina at Monching.

Pero kahit naging loveteam noong panahon nila, untapped o hindj na-maximize ang kanilang singing as a duo/tandem.

Parehong maganda ang boses nila with Tina’s anthem, "Tamis Ng Unang Halik" and Monching’s Odette Quesada song sa Bagets 2, "So This Is How It is To Be In Love."

Baka nga hanggang career reunion na lang ulit.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results