Ilang mga behind-the-scenes ng The Best Day of My Life concert ni Zsa Zsa Padilla

by PEP Troika
May 12, 2018

NOEL FERRER: “I don’t know when I can do something like this again,” sabi ni Zsa Zsa Padilla sa ginawang major concert kagabi na The Best Day Of My Life.

Parang kape lang na 3-in-1 ang naganap dahil bukod sa 35th Anniversary ng Divine Diva sa industriya, advanced Mother’s Day at birthday celebration na rin niya ito.

Kasama ni Zsa Zsa ang kanyang extended families na sina Karylle at Yael Yuzon, Zia Quizon at Robin Nievera.

Nag-LeGrand medley sila ng Pop Diva Kuh Ledesma na nakasama niya sa 35-city tour all around the world.

Siyempre hindi mawawala ang bestfriend ni Zsa Zsa na si Megastar Sharon Cuneta na nagpaunlak ng dalawang kanta. Ang isa ay ang pinagsaluhan nilang kanta ni Willy Cruz na "Sana'y Maghintay Ang Walang Hanggan" (na naging 2nd theme song ng Bituing Walang Ningning, kung saan kinonsider si Zsa Zsa na maging Lavina Arguelles noon na hindi pa siya handang tanggapin) at ang anthem ng kabataan nila na "To Love Again" (na inamin ni Zsa Zsa na instrumental si Sharon at dahil sa kanya, she was ready TO LOVE AGAIN kay Architect Conrad Onglao.)

Continue reading below ↓



Continue reading below ↓



Continue reading below ↓

Mula sa U.S., humabol din ang Concert King na si Martin Nievera na ang sabi ay wala man kinalaman sa past ni Zsa Zsa dahil si Gary Valenciano (represented by Paolo Valenciano na direktor ng show) ang singing partner niya, meron naman daw silang magandang future dahil sa kanilang anak.

Masaya ang mood sa sold out concert dahil nandoon at sumuporta sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, Erik Santos, Iza Calzado (na game lahat mag-Zumba sa "Mambobola" number) plus nandun din sina Marjorie Barretto at ang BBC Anchor na Rico Hizon.

May ilang rare footage tayo sa backstage ganap pati na ang prayer ng mga divas at ang pa-thank you ni Zsa Zsa sa mga guests na hindi naningil ng fees nila.

GORGY RULA: Alam ni Zsa Zsa kung hanggang saan at kailan na siya dapat mag-lie low. Ibibigay na niya 'yan sa mga bagong diva na magagaling din.

Saka iba na rin ang focus nya ngayon; ang mag-settle down.

Continue reading below ↓

Present nga doon si Arch. Conrad Onglao.

Bakit walang announcement doon ng wedding plans, Sir Noel? I'm sure alam mo na kung kailan.

JERRY OLEA: Nakakatuwang makita na magkakasama ang Megastar, Divine Diva, at Pop Diva, may bonus pang Concert King.

In spirit ay kasama siyempre nila si Mr. Pure Energy.

Ngayong in love again si Zsa Zsa ay hindi na niya kailangang hintayin ang walang hanggan.

Maging bituing walang ningning man si Zsa Zsa sa piling ni Conrad, walang hanggan siyang mamahalin ng kanyang mga tagahanga.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results