Carrot Man Jeyrick Sigmaton, susubok uli sa showbiz

by PEP Troika
May 13, 2018

JERRY OLEA: Luhaan si Jeyrick Sigmaton aka Carrot Man sa acting workshop nitong Mayo 12, Sabado ng hapon, sa Rotary Club Center, Roces Avenue, cor Mother Ignacia St., QC.


“E, dito ko nalaman na gano’n po pala ang workshop... maging emotional, or ideal,” sabi ng binatang Igorot.

Continue reading below ↓

Iyon ang kauna-unahan niyang workshop, at pinalakpakan siya ng mga kasama niyang showbiz aspirants.

Ano'ng inisip niya kaya napaiyak siya agad?

“Wala lang po... basta, naisip ko lang po yung buhay namin sa probinsiya noon,” matamang sambit ni Jeyrick.

“Kasi po, yung kapatid kong pinag-aral noon... wala, tinakbuhan lang po ako.

“Maagang nag-asawa. Eighteen [years old] siya noon. Ngayon, 21 na siya.”

Sabi ng scriptwriter/actor/director na si Jigz Recto, facilitator sa workshop, “Well, he [Jeyrick] was good. He was sincere. He was honest. Kaya gusto ko siya.


Continue reading below ↓

“Iyong emotions, raw. Saka he has a nice voice... nice singing voice. Modulated.”

Inaasahan ni Direk Jigz na dadalo si Jeyrick sa pito pang session ng acting workshop sa Rotary Club Center.

Tuwing weekend ang nasabing pagsasanay sa pag-arte.

Sa mga gustong lumahok, makipag-alam kay Benjie Alipio sa cell# 0932-957-7680, o kay Arlene Galicia sa cell# 0942-967-4181, 0995-799-8547.

NOEL FERRER: Mahirap talagang pasukin ang showbiz ng galing sa ibang mundong kinagawian tulad ng Carrot Man.

Hindi ba’t sumubok na siyang mag-showbiz noon? Anong nangyari sa kanya?

Sana nga ay mahanap niya ang lugar niya sa showbiz at mapaghandaan niya ang pagsabak dito with the right skills, knowledge and orientation dahil hindi madaling mag-survive dito!

Good luck Carrot Man!

GORGY RULA: Nung kainitan ni Carrot Man, pinag-agawan 'yan ng dalawang malaking TV network.

Kaya, kaagad na pinapirma 'yan ng GMA-7 para exclusive na siya sa Kapuso. Hindi lang ako sure kung six months o one year exclusive at kung sa GMA Artist Center o sa News & Public Affairs.

Continue reading below ↓

Nabantilawan lang nun dahil ang daming nakialam. Merong isang pulitiko ng lalawigan nila, ang dami pang sumusulsol sa tatay niya. Meron pang isang staff ng isang programa sa GMA-7 na na-obsess sa kanya.

Pero ang sabi lang nun ni Carrot Man, gusto na niyang umuwi dahil gusto lang niya ng simpleng buhay.

Na-miss din pala niya ang gulo ng showbiz.

Sana ma-handle siya ngayon ng tamang tao o management group.

Sana pinanindigan na lang niya ang sinabi niya nun na simpleng buhay lang ang gusto niya.

Akala ko pa naman masaya na siya sa pagtitinda ng gulay.

Hay!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results