Iza Calzado, naiyak sa kakaibang experience matapos manood ng The Kundiman Party

by PEP Troika
May 13, 2018

NOEL FERRER: Hindi dapat palampasin ng mga manonood ang The Kundiman Party na sinasabing huli nang obra ni Direk Floy Quintos sa Dulaang UP.

Isa itong eye opener sa mga gumagamit ng social media at sa mga tagasuporta ng pagbabago sa lipunan.

Marami tayong mga kapatid sa media ang nanood, tulad na lang nina Direk Lav Diaz, Kuh Ledesma, Iza Calzado, Luis Alandy, Angel Aquino, Nonie Buencamino, Gabe Mercado, Leo Rialp, Malouh Crisologo, Tina Monzon-Palma, at maging si Conchita Carpio-Morales.


Continue reading below ↓

May dalawang last showing ito mamayang 2pm at 7pm sa Wilfrido Ma. Guerrero sa Palma Hall sa UP. At sana ay magka-extension pa itong isinagawa nilang extension.

JERRY OLEA: Inaasam natin na ang ganitong makabuluhang palabas ay tangkilikin ng mas nakararami.

De kalidad ang pagtatanghal na ito. Masustansya para sa isip, puso at kaluluwa.

NOEL FERRER: Kakaiba rin ang experience ni Iza Calzado kahapon sa panonood ng The Kundiman Party. Nang matapos ang palabas, tinawag siya ng 81 years old na dating Presidente ng UP na si Emmanuel Soriano na namatayan ng asawa three years ago.


Continue reading below ↓

Sa halos hindi na makapagsalitang boses, naipahayag niya kay Iza na kahawig daw nito ang yumao niyang asawa. Magiliw namang in-acknowledge ito ni Iza. Naiyak na lang si Izadora nang ilabas ng dating UP President ang container na may abo ng asawa nito at nagpa-picture pa sa kanya.


Continue reading below ↓

Ang ending, pinasama pa si Iza hanggang makababa ito sa Palma Hall stairs at nagpa-kiss pa ito kay Iza bago sila nagkahiwalay.

Reminiscent ito ng dating pelikula ni Iza na Moments Of Love ni Dingdong Dantes.

GORGY RULA: Oo nga, Sir Noel. Nakaka-touch ang tagpong iyun na hindi napigilan ni Iza maluha. Kaya nga 'di agad siya lumabas ng theater dahil naiiyak pa siya.

Kahapon din pagkatapos ng palabas, ang nagsulat ng The Kundiman Party na si Direk Floy Quintos ang isa sa pinagkaguluhan, at ang daming gustong magpa-picture sa kanya.

Halos lahat pinagsasabihan siyang ituloy pa rin niya ang pagsusulat. Iyun na raw kasi ang huli niyang obra. Pero tila desidido na si Direk Floy na tumigil na sa pagsusulat.

“Hay naku! Pagod na ako magpaka-Adela! Gusto ko na magpaka-Tita Mitch,” tili ni Direk Floy sa akin.

Sana mahabol nyo ngayon ang huling palabas ng The Kundiman Party para makilala nyo sino roon si Adela at si Tita Mitch.

Continue reading below ↓

Sana nga ma-extend dahil kumalat nang maganda ito at napapanahon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results