Bryan Chong, Jojo Mendrez, nanawagan para sa mga bata ng Child Haus

JERRY OLEA: Kumurot sa aming puso ang special participation ng mga batang taga-Child Haus sa Prince of Soul concert ni Bryan Chong nitong Mayo 12, Sabado nang gabi sa Music Museum.

Sa kalagitnaan ng duet ni Bryan with guest Jojo Mendrez (tinaguriang "Revival King") ng kantang "Sana" ay lumabas sa entablado ang siyam na bata na nag-interpret ng awit sa pamamagitan ng gestures.

“Guys, sila po yung mga bata sa Child Haus,” pagpapakilala ni Bryan sa mga batang may kanser, na ang ilan ay may surgical mask.

“Alam nyo po, nang dalawin ko sila noon sa Child Haus, ang saya-saya lang nila, you know...

“Parang iba yung feeling kapag nakakapagbigay ka ng saya sa mga batang ito.

“Iyan po ang turo sa akin ni Sir Jojo [Mendrez].

“Kaya kapag... nagkaroon na po ako ng mga... dumating na ako sa pangarap ko, hindi ko po makakalimutan ang Child Haus.”

Panawagan ni Jojo Mendrez, “Kung meron ho kayong maise-share sa kanila, panahon or anything we have, i-share po natin sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, sila sa panahong ito ang nangangailangan.

“And with my song Sana... sana, makakurot sa puso ninyo para makaramdam ng pagmamahal sa mga nangangailangan.

“Thank you so much.”

Binasa ni Bryan ang sulat sa kanya ng mga bata, “Hi, Kuya Bryan... maraming salamat po sa pag-invite ninyo sa amin. Maraming salamat din po sa walang-sawang pagtulong dito sa Child Haus.

“We love you and God bless...”

Lahad pa ni Bryan, “'Di ba, sobrang... alam nyo po, yung ganitong mga letter, tapos galing sa mga batang ito, na full of hope and happiness... parang...

“Naki-keep up po nila sa amin, through their words, through their hope na... Parang sila nga po ang nagpapatatag sa amin ni Sir Jojo ngayon, e.

“Thank you!”

Si Bryan ay kabilang sa Team Sarah (Geronimo) ng The Voice Teens Philippines last year.
Kabilang pa sa guests niya sa Prince of Soul concert sina Jason Dy, Keith Martin, Rmor (anak ni Tita Doray Morales), Elysa V (lumahok sa X Factor UK) at John Roa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang concert ay buong pagmamahal na idinirek ni Ona Lara Unico.


NOEL FERRER: Sadya ngang inspiring ang revival song na "Sana" na yan ni Jojo Mendrez na ang sabi’y ipina-audition muna sa composer nitong si Florante bago binibigyan ng basbas ang kung sinumang magre-revive nito.

At tama 'yang value ng pagbabahagi ng iyong sarili—oras, resources o kahit na anong tulong dahil mas pinagpapala ang may malasakit sa kapwa na gamit ang talentong bigay ng Diyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, pati kay Mama Ona nakikita rin ito. Si Bryan na ba ang bago niyang tinutulungan at pinag-uukulan ng malasakit pagkatapos ni Mark Mabasa?

GORGY RULA: Touching din daw nang mag-duet sina Bryan at Jojo ng kantang "Sana." Ito ang isa sa mga ni-revive ng King of Revival Songs na si Jojo.

Nang kinanta naman ni Jojo ang isa pang ni-revive niyang "Magkabilang Mundo," may isang fan daw na umakyat ng stage para ibigay sa kanya ang isang stuffed toy na panda. Kaya nagtawanan daw ang mga manonood.

Pero alam nyo bang may iringang naganap sa backstage nang magkasalubong doon ang kampo nina Jason Dy at Jojo Mendrez.

Wala akong ideya kung may gap ang dalawa, pero hindi raw sila nagpansinan sa backstage? Tinanong ko si Jojo kung meron nga bang isyu sa kanila ni Jason, natawa na lang ang Revival King. Hindi naman daw lumalabas ng dressing room si Jason, kaya paano sila magkaisnaban dun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Huwag na raw siyang tanungin tungkol diyan at ayaw raw niya ng negang isyu.

Sabi nga raw ng kanta niyang "Sana," “Sana’y magbigayan. Sana’y laging magmahalan.”

"Sana" ang duet nina Jojo at Bryan sa concert...

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close