Direk Ruel Bayani, confident na kayang tapatan ng Kasal ang Deadpool 2

NOEL FERRER: Masaya ang naging chikahan namin ni Direk Cirilo Ruel Bayani (na galing sa kalendaryo ang Cirilo) sa kanyang pinagdaanan bilang simpleng taga-Cabanatuan, Nueva Ecija hanggang sa maging box-office director.

Ngayon nagpu-promote siya ng latest obra niyang Kasal by Star Cinema showing on Wednesday, May 16 na, dumaan siya sa aming NoeLitanya ar BAKIT LIST segments, at heto ang quick answers niya:

Nora or Vilma - VILMA
Sharon or Marya - SHARON
Juday or Claudine - JUDAY
Bea Alonzo or Angel Locsin - BEA
Charo Santos or Malou Santos - CHARO
Malou Santos or Malou Fagar - (maiintindihan ako ni Tita Malou Fagar dito) MALOU SANTOS Dingdong Dantes or Zanjoe Marudo - ZANJOE
Angelica Panganiban or Shaina Magdayao or Ellen Adarna - Kaibigan ko si ANGELICA
Marian Rivera or Kristine Hermosa - MARIAN
Enchong Dee or Alex Medina - ENCHONG
Gerald Anderson or Wendell Ramos - GERALD (Andrew: Ibang level naman ‘yun)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

*Bakit umalis ng ABS dati - DAHIL SA DI PAGKAKAUNAWAAN SA ISANG ARTISTA
*Bakit hindi ka nagtagal sa GMA, bumalik sa ABS? - IBA LANG TALAGA ANG DIREKSYON NG CAREER KO (Hindi dahil kay Charee Pineda) HINDING-HINDI
*Bakit busilak ang tawag sa iyo? - EWAN KO BA, PERO SIGURO DAHIL TUMUTULONG AKO NA HINDI NAGHIHINTAY NG KAPALIT
*Bakit lagi kang hyper? OO, KASI RAW ADHD AKO
*Bakit ka pumayag mag administator eh majorly creative ka? IBANG CHALLENGE NAMAN YUN *Bakit naging mag-rival kayo ni Direk Don Cuaresma? EWAN KO BA, SIGURO DAHIL PALAGI KAMING MAGKASAMA

Ano ang meron ka na wala si Don? CHARM
Ano ang meron si Don na wala ka? AGE
Bakit wala kang lovelife ngayon? KAILANGAN BA? AT NAKAKASIGURO BA SILANG WALA?

Eh sex life? PANOORIN NILA ANG KASAL SA MAY 16. KAYGANDANG PELIKULA NG STAR CINEMA


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JERRY OLEA: Ang Kasal ang una sa 25th anniversary presentations ng Star Cinema.

Walang takot itong makipagsalpukan sa Deadpool 2, at confidently beautiful ang director nitong si Ruel S. Bayani na aariba ito sa takilya.

Sa trailer pa lang ay kaabang-abang na ang maiigting na eksena nina Derek Ramsay, Bea Alonzo at Paulo Avelino.

Kapana-panabik ang bagong putaheng ito.

Sabi pa ni Direk RSB, “Dapat lang naman na kaya ka gumagawa ng pelikula ay may bago kang ihahandog.

“Kasi, kung hindi, matulog ka na lang sa bahay para huwag mo nang maperwisyo ang tao.”

GORGY RULA: Kuwela ang interview kay direk Ruel Bayani sa Level Up mo kagabi Sir Noel kasi ang daming nakalkal na mga kuwento, lalo na nung nag-college pa siya sa Ateneo kung saan classmate niya si Ms. Lisa Gokongwei.

Kuwento ni Direk Ruel, nagpapalibre pa raw sa kanya noon si Ms. Lisa dahil 40 pesos lang daw ang baon niya, samantala ang kanya ay 100 pesos na. Ang nakakatawa pa, nagpapalibre raw ito ng Chippy sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Direk Ruel, hindi raw niya maintindihan kung bakit ibibili niya ng Chippy ang anak ng may-ari ng nagma-manufacture ng Chippy.

Pero noon pa man ay pangarap na raw ni Ms. Lisa na magkaroon ng maraming magazines. Siya naman ay makagawa ng pelikula, at natupad naman iyun. Nakakatuwa!

Samantala, malaki ang expectations ko dito sa Kasal dahil sa success ng No Other Woman, na kung saan kasali rin si Derek Ramsay.

Malalagpasan o kahit mapantayan man lang nitong Kasal ang naabot na success ng No Other Woman?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close