Mariel de Leon, intimidated ba sa mga nakakasamang artista?

by PEP Troika
May 14, 2018

JERRY OLEA: Nakapag-script reading na sina Mariel de Leon at Allen Dizon para sa pelikulang Latay na ididirek ni Ralston Jover.

Ang papel ni Mariel ay ex-GF ng battered husband na si Allen. Pinagseselosan siya ng misis ni Allen na si Lovi Poe.


Kailan sila magsisimula ng shooting?

Continue reading below ↓

“They will try this month. Pero if not, baka next month,” sabi ni Mariel nang makausap namin nitong Mayo 13, Linggo, sa birthday lunch ng publicist niyang si Jun Lalin sa 81 SeiHai, Timog Ave, QC.

Nakaka-pressure bang makatrabaho sina Allen at Lovi na parehong multi-awarded?

“Ahh, yeah, it’s a lot of pressure, but they’re super nice naman and they make me feel comfortable,” kaswal na lahad ni Mariel, na lumabas sa MMFF 2017 entry ni Coco Martin na Ang Panday.

“So, para sa set, I won’t feel intimidated... especially with the workshop, I’ll be more comfortable with them.”

GORGY RULA: Ang pagkakaalam ko, bago pa isinalang si Mariel sa preparation ng Latay, nakapag-workshop na rin siya.

Hindi naman dapat siya ma-intimidate sa co-actors niya. At sa tipo niyang may sariling pag-iisip, mukhang hindi naman siya mai-intimidate.

Pero hindi maiwasang ma-pressure siya dahil mataas ang expectations sa kanya ng mga tao, bilang anak siya ng magagaling na Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Continue reading below ↓

Hindi maiwasang maikukumpara siya sa magulang niya.

Sabi naman ni Mariel, sa acting na siya magpu-focus kaya, gagalingan niya 'yan.

Sana mabigyan pa siya ng magandang project na pang-mainstream, pagkatapos niyang gawin ang Panday ni Coco Martin.

NOEL FERRER: Si Mariel pa ba ang mai-intimidate?

Parang wala sa karakter ng batang ito ma-intimidate, she’s one beautiful feisty lady na may magandang pamilyang nakasuporta sa kanya.

Hopefully, she comes to her own as an actress.

At kung siya ang kasama sa Panday ni Coco Martin, abangan sa next item namin kung sino ang susunod na bigating makakatambal ng ating Probinsyano—unang-una dito lang sa PEP Troika!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results