FIRST READ: Vic Sotto at Coco Martin, magsasanib-puwersa para sa MMFF 2018

by PEP Troika
May 14, 2018

NOEL FERRER: Totoo ang balita, dalawang malalaking pangalan ang magsasanib-puwersa sa isang pelikula na intended para sa Metro Manila Film Festival.

Ang Probinsyano at si Enteng: si Coco Martin at si Bossing Vic Sotto!


Nakumpirma ko ito last week at sabi ng nagbalita, sinabihan na nila ang dalawa na huwag nang masyadong gumastos sa effects at iba pang borloloy sa pelikula.

Continue reading below ↓

Focus on the story. Isang magandang kuwento para sa dalawang haring magsasama.

Wala pang napipisil na magdidirek ng nasabing pelikula, pero inaayos na nila ang isang masaya at heartwarming na kuwento.

Posibleng maaksyon din, pero mas yung may mapupulot na aral at makakadulot ng kasiyahan sa pamilya.

Let us see how they will proceed from this, lalo pa’t nandiyan pa rin ang posibleng entry ni Vice Ganda mula naman sa Viva at Star Cinema.

Siyangapala, ang deadline ng MMFF Script Submissions ay naurong na from May 21 to May 31 na.

Wala nang extensions kaya sana ihanda na ng mga produksiyon ang magagandang screenplays para sa pinakamalaking taunang festival sa ating bansa.

JERRY OLEA: Last week pa namin narinig iyang pagsasama sa movie nina Vic at Coco para sa MMFF 2018.

Malamang na co-producers sila rito.

Kung magtatapos na sa Setyembre ang teleserye ni Coco na FPJ’s Ang Probinsyano, mas may panahon siya para sa project nila ni Bossing.

Continue reading below ↓

If ever, si Coco pa rin kaya ang magdidirek nito?

GORGY RULA: Narinig din namin 'yan na pinaghahandaan na raw nila ngayon.

Ang isa pang nabalitaan namin, ka-partner nila sa proyektong ito ang APT Entertainment.

How true na hindi raw kasali sa produksiyon ang OctoArts Films?

Maaaring ma-hurt dito si Boss Orly Ilacad dahil noon pa man kasama na talaga ni Bossing Vic at ng APT ang OctoArts.

Kung matutuloy ito, makaka-partner na rin nila ang film production ni Coco Martin.

Kung makakapasok ito, isa ito sa kaabang-abang na entry sa MMFF 2019.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results