Martin Nievera at Pops Fernandez, nag-bonding kasama ang kanilang mga anak

by PEP Troika
May 14, 2018

JERRY OLEA: Nag-bonding sina Martin Nievera at Pops Fernandez kasama ang kanilang mga anak noong Mayo 12, Sabado, bisperas ng Mother’s Day.


“There were actually many mothers there, in the house of Pops and my two children, Robin and Ram,” sabi ni Martin nang makachikahan namin sa birthday lunch ni Jun Lalin nitong Linggo, May 13, sa 81 SeiHai, Timog Ave., QC.

Continue reading below ↓

“Zia was there. My partner was there. And the mother of Pops, and the family. It was nice.

“It was a nice biglaan thing...”


Hindi alam ni Martin kung sino ang nagluto ng kinain nila.

“I wanna say that Pops cooked, but she didn’t cook,” napangiting pakli ni Martin.

Continue reading below ↓

“Bonding, stories... you know, my father just passed away, so we were talking about the whole memorial that we did in Las Vegas [Nevada] for him.

“Kuwentuhan lang. 'tapos, konting memory stories, ‘yung babies pa si Robin at si Ram.

“It was like maybe two or three hours, and we went home.”

NOEL FERRER: Maganda yung ganitong kuwento ng pag-aayos at peaceful co-existence ng dating magka-partner at magkarelasyon tulad nina Martin at Pops.

Inaayos talaga ng panahon ang lahat.

GORGY RULA: Nagawa nina Ogie Alcasid, Regine Velesquez, at Michelle Van Eimeren.

Kahit sina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson ay maayos na rin na suportado pa nina Iwa Moto at Jolo Revilla.

Naniwala silang mapaghihilom ng panahon at sa tulong ng Panginoon, naging maayos ang lahat.

Mangyayari rin kaya ito kina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion? Wish ko lang!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results