My 2 Mommies, umariba sa takilya; Avengers: Infinity War, umabot na sa $1.6B ang kinita

JERRY OLEA: As of May 13, Sunday, $1.6B na ang worldwide gross ng Avengers: Infinity War.

Ito na ang pinakamalakas na pelikula ng taong 2018—domestic ($548M) man o overseas ($1.059B).


Sa ikatlong weekend, nanguna pa rin ito sa takilya ng North America.

Ito ang unang superhero movie na umabot sa $1B ang international gross.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So far, No. 8 na ito sa talaan ng pinakamalalakas na domestic releases all-time (hindi adjusted sa inflation).
No. 5 naman ito sa listahan ng largest global release.

Bukas, Mayo 16, ay mag-uumpisa na ang pag-ariba ng marvelous movie ring Deadpool 2.

Makikipagsabong dito ang Kasal, ang una sa 25th anniversary presentations ng Star Cinema.

Bida rito sina Bea Alonzo, Derek Ramsay, at Paulo Avelino.

Palabas din bukas ang noir thriller film ni Margot Robbie na Terminal, na Star Cinema ang distributor.

Teka... kumusta na ang My 2 Mommies at #SquadGoals na nag-open last Wednesday?

NOEL FERRER: Sadly, nag-first day-last day ang #Squad Goals sa maraming sinehan, ngunit mas nagtagumpay naman ang My 2 Mommies na umariba sa takilya noong weekend.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang balita pa nga ay may pa-thanksgiving party ang Regal dito.

May this usher in more hit local movies kahit medyo malalakas na Hollywood movies ang katapat!

GORGY RULA: Sir Jerry, co producer o publicist po ba kayo ng Avengers?

Ayoko na pag-usapan ang Avengers. Alam na ng buong mundo na super-lakas ang pelikulang 'yan. Di na kailagang ipagsigawan. Bigyan na natin puwang ang mga pelikula natin.

Anyway, masayang-masaya na si Mother Lily dahil sa magandang box-office performance ng My 2 Mommies.

Nakakatuwa nga dahil ang pinakamalakas niya ay nung Mother's day mismo, na umabot daw ng mahigit P11M.

Sana ganun din ang mga susunod na local films kahit matindi pa rin ang Hollywood films na makakatapat.

Ano na nga pala nangyari sa CineFilipino? Flopey na naman ba?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close