Direk Joel Lamangan, hindi raw sapat ang makukuhang pera sa hirap na dinanas nung rehimeng Marcos

by PEP Troika
May 15, 2018

GORGY RULA: Malaking halaga pala ang matatanggap ni Direk Joel Lamangan na Human Rights Claim mula sa pamilya Marcos.

Nakipagkita si Direk Joel sa ilan pang Human Rights victims noong Sabado, May 12, sa University Hotel sa UP Diliman para mapag-usapan ang kukunin nilang claim mula sa pamilya Marcos.


Tinanong ko kay Direk Joel kung totoong mahigit isang milyong piso ang makukuha niya.

Continue reading below ↓

“Huwag mo nang i-broadcast!” tili sa akin ni Direk Joel.

Isa si Direk Joel sa mga nakaranas ng paghihirap nung martial law, apat na dekada na ang nakararaan.

Dalawang beses daw siyang nakulong at nakaranas ng matinding torture. Kaya kasama siya sa nagsampa ng claim sa Marcos family.

Paliwanag ni Direk Joel, “Nagbuo ng Claimants Right Victims Department, at yung nabigyan ng corresponding amount para dun sa kanilang pinaghirapan… yung mga na-torture, yung mga namatay, yung mga namatayan ng magulang, kapatid. Yun, binigyan.”

Mayroon na nakatanggap at marami pa raw silang naghihintay ng pasabi kung kailan makukuha ang kanilang claim.

“Wala pa. Hindi ko pa nakukuha,” pakli ni Direk Joel.


Continue reading below ↓

Nilinaw rin sa amin ng film director na ang malaking halagang makukuha niya ay hindi sapat sa mga paghihirap na dinanas niya nung Rehimeng Marcos.

“Walang katumbas na halaga yun. Yung hirap namin dun, walang katumbas yun.

“Mabuti nga yun, naibigay pa. Yung iba namamatay na, matanda na, hindi pa naibigay,” dagdag niyang pahayag.

Wala pa rin daw nabago sa pagtingin niya sa pamilya Marcos at buo pa rin daw ang paninindigan at ipinaglalaban niya lalo na’t nakakabalik na raw sila ngayon.

Saad ni Direk Joel, “Dapat hindi na maulit yung ginawa ni Marcos.

“Hanggang ngayon hindi pa naman nila isinosoli yung mga kayamanang kinuha nila. Hindi nasoli sa gobyerno.

“Sa dami ng pinapatay nila, hindi naman sila napuwersa. They’re back in power di ba?”

NOEL FERRER: Totoo ang sinabi nj Direk Joel. Maliit na halaga pa 'yan kumpara sa paghihirap nila noong panahon ng mga Marcos.

At tuloy pa rin talaga ang pagtutol natin sa anumang human rights at ill gotten wealth at corruption, cronyism, patronage politics, at authoritarian-rule issues.

Continue reading below ↓

Pero katulad nga ng laging sinasabi, ang hindi nagagawa ng mga politiko, at ang media ay natatakot ipahayag, malaki ang hamon sa sining ng mga artista.

Tuloy ang laban, di ba?

JERRY OLEA: Showing na sa Mayo 23 ang pelikula ni Atom Araullo na Citizen Jake, kung saan inokray nang bonggang-bongga ang mga Marcos.

Antabayanan natin kung tatangkilin ng madlang Pilipino ang makabuluhang proyektong ito.

Puspusan na ang rehearsal ni Direk Joel para sa Binondo: A Tsinoy Musical, na ipalalabas simula Hunyo 29 sa The Theatre at Solaire.

Ang Act I ng musical ay noong 1971 naganap, at bahagi ng setting ang Mendiola.

Panahon iyon ng pamamayagpag ng mga Marcos.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results