Line producer ng indie film, nag-rant sa FB dahil sa "out of focus" na kuha ng DOP

by PEP Troika
May 16, 2018

NOEL FERRER: Bangayan sa social media ang naganap sa line producer ng pelikulang Ang Lalaking May Dalawang Adams Apple, na idiniderek nj Jake Cocadiz (writer ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit nina Nora Aunor at Tirso Cruz III).

Ang sabi’y nasayang ang P3M na gastos dahil sa diumano’y defocused na trabaho ng Director of Photography (DOP) na isang nagngangalang Alex Espartero.

The film stars Rafael Rosell, Kiko Matos, Lauren Burgos, Richard Quan, among others.


Continue reading below ↓

Rafael Rosell and Kiko Matos

Nakapag-ten shooting days na raw sila on location sa Pagsanjan. (Talaga? Ten days na sila, at walang nakakapansin na depukado ang mga shots?)

Marami akong tanong sa naging proseso nila ng paggawa ng pelikula bago humantong sa ganitong sisihan.

Pero sa pangyayaring ito, ano ang accountability ng bawa’t isa?

JERRY OLEA: Sayang ang pera (P3M), panahon (10 araw), at effort (trabaho ng mga artista at production staff).

Napakasaklap, Aling Vicky!

Masyado ba silang aligaga sa shooting at hindi man lang napansin matapos ang first shooting day that there’s something wrong about Ang Lalaking May Dalawang Adam’s Apple?

Pamagat pa lang, pasiklab na. Pero yun pala, sa panig ng produksyon ay may pumapalpak, nakakasindak!

Andiyan na iyan. Hindi na mareremedyuhan ang mga nasayang.

Magturuan man ng sisi, nagdudumilat ang katotohanang hindi magagamit ang mga kinunang eksena.

Ano ngayon ang dapat gawin?

Magre-reshoot ba?

Kung may budget pa... kung babayaran nang doble ang mga uulit ng trabaho.

Continue reading below ↓

Puwede namang magpakiusapan.

Meron bang magbabayad sa kanyang “kasalanan”?

Command responsibility ito, di ba?

Ang maliwanag, kawawa ang producer.

Nalustay nang walang kalaban-laban ang kanyang milyones.

GORGY RULA: Sandali lang po. Line producer ka, command responsibility mo ang nasa production, di ba?

Ngayong nagkaproblema sa produsksiyon, kagaya nitong sa DOP, wala kang gagawin, magra-rant ka sa social media?



Continue reading below ↓


Iyon lang ba ang puwede niyang gawin?

Naka-ten shooting days, hindi napansin ng direktor? Kaninong responsibilidad 'yan lahat?

May maitutulong ba sa problema ang pagpu-post ng ganun sa social media?

Bago siguro magtipa ng ipu-post mo sa social media, bakit hindi muna sila magharap, pag-usapan nang mabuti kung may magagawa bang paraan para maayos ang problema.

Continue reading below ↓

Saka bakit ganun ang title ng movie? Parang hindi nakaka-arouse ng curiosity.

Pakialam ko ba kung dalawa ang Adam’s apple ng isang lalaki!

Keber nga sa taong may labing-isang daliri, at meron pang kuntil sa tenga!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results