Shamcey Supsup, four months pregnant sa second baby nila ni Lloyd Lee

by PEP Troika
May 17, 2018

GORGY RULA: Masayang ibinalita ng dating Miss Universe Philippines 2011 Shamcey Supsup-Lee na four months preggy na siya sa pangalawang baby nila ng asawa niyang si Lloyd Lee.


Kaya lang, tumataba raw siya ngayon dahil nakahiligan niya ngayong kumain nang kumain.

Ibang-iba raw ito sa una niyang pagbubuntis na pumayat siya dahil suka lang daw siya nang suka noon at lagi siyang nahihilo.

Continue reading below ↓

Pero itong sa pangalawa niyang pagbubuntis, food trip daw siya nang bonggang-bongga.

“I’m always hungry, as in every 2 hours, I have to eat.

“Everything that I see. Everything that I smell.

“Kahit katabi ko may kinakain, 'tapos pag nakita ko, kahit kakain ko lang, ‘Ay, parang masarap an!’ Hihingi ako!” natatawang kuwento ni Shamcey sa opening ng bagong burger house nila sa Uptown BGC kahapon, May 16.

Kaya tumataba raw siya ngayon, at baka lalo pa itong madagdagan dahil sa napakagana niyang kumain.

Baka next month ay puwede na raw malaman kung ano ang gender ng magiging 2nd baby nila. Hoping sila na baby boy ito kung talagang iyun ang gustong ibigay sa kanila ni Lord.

JERRY OLEA: Blessing ‘yan!

Magandang lahi (palahian?) si Shamcey, kaya good news ito.

Hindi kaya kambal ang nasa sinapupunan ni Shamcey kaya lagi siyang nagke-crave ng pagkain?

NOEL FERRER: Uy, si Shamcey, ang lagi ko lang nababalitaan, nag-iikot din siya ng local pageants at nagdya-judge kasama ng kanyang grupo nila ni Jonas.

Continue reading below ↓

Siya yung beauty and brains at buong UP ay nag-cheer sa kanya sa Miss U bilang beauty queen architect.

Hindi ko pa nasusubukan ang resto nila ni Lloyd na napakaamo ng mukha at mild mannered.

May they be blessed with really healthy and good children.

Ano kaya ang stand ni Shamcey on Miss U being held here again?

Paano na kaya ang stand ng Mercator management nila na malapit kay Undersecretary Kat de Castro na siyang naging punong-abala sa Miss U sa Pinas dati? (Teka, kasama ba si Kat sa mga nag-courtesy resignation din sa DOT? I wonder.)

Dito nga ba ulit gaganapin ang Miss U sa pagbubukas muli ng Bora? Abangan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results