Jaclyn Jose, bakit below the title ang billing sa The Cure?

by PEP Troika
May 18, 2018

JERRY OLEA: Sa pelikulang The Significant Other na ipinalabas noong Pebrero 21, 2018, above the title ang billing nina Dina Bonnevie at Snooky Serna sa poster.

Maliit ang size ng kanilang pangalan, pero nasa ibabaw sila ng names nina Lovi Poe, Tom Rodriguez, at Erich Gonzales.

Ang ka-contemporary nina Miss D at Cookie na si Maricel Soriano, below the title ang pangalan sa “official” poster ng pelikulang My 2 Mommies.

Continue reading below ↓


Nag-alburuto ang fans ni Marya sa “pang-aapi” o “pambabastos” sa kanilang lodi.

Sa “final” poster na inilabas sa social media ay above the title na ang billing ng Diamond Star.

Nasa ilalim ito ng names nina Paolo Ballesteros and Solenn Heussaff.


Continue reading below ↓

Gradong A ang ipinagkaloob ng CEB (Cinema Evaluation Board) sa M2M.

Sa poster na may announcement ng gradong A, pare-parehong below the title ang pangalan nina Paolo, Solenn at Maricel.

Sa premiere night at sa mga sinehang pinagpalabasan, iyong “final” poster ng M2M ang naka-display.

All’s well that ends well, 'ika nga.

Nitong Mayo 17, Huwebes ng gabi, nadaanan namin ang billboard ng Kapuso primetime series na The Cure sa EDSA corner East Av., QC (tapat ng GMA Compound).

Napanganga kami sa billing dito.

Above the title sina Jennylyn Mercado, Tom Rodriguez, at ang child actress na si Leanne Bautista.

Below the title sina Mark Herras, Jay Manalo, at Ms. Jaclyn Jose, ganun din si Ken Chan na may special participation.

Sa harapan ng GMA Compound, may maliit na landscape tarpaulin kung saan pangalan lang nina Jennylyn, Tom, at Leanne ang nakalagay.


Continue reading below ↓


E, kapapanood pa lang namin ng theatrical trailer ng The Cure sa SM Megamall (Cinema 4).

Bago ang 5 p.m. screening ng Kasal, ipinalabas ang trailer ng The Cure kung saan si Ms. Jaclyn ang nagsabi sa ending, “I need to find the cure!”

Palaisipan sa amin kung bakit below the title ang pangalan ng Cannes best actress sa billboard ng The Cure.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: More than yung paggamot sa billing ng poster layout, nas kailangang mag-double time sa paggamot ng programang The Cure para makahabol man lang ito sa umaaribang FPJ's Ang Probinsyano.

Kumusta na ba ang ratings nito, Tito Gorgy?

GORGY RULA: Di ko na po inalam at medyo sensitive yata ang GMA-7 sa isyu ng The Cure.

Hindi na siguro isyu yang billing. Ang mahalaga, umalagwa na ito sa ratings dahil lalong gumaganda raw ang kuwento.

May pinatulan na naman nga si Suzette Doctolero na ilang netizens na nagsasabing parang kopya raw sa The Walking Dead itong The Cure.

Kaya siguro tutukan natin to at alamin kung may pinagkopyahan nga ba.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results