FIRST-READ: JC de Vera, kinumpirmang may anak na sa kanyang non-showbiz girlfriend

by PEP Troika
May 18, 2018

JERRY OLEA: Opo, may anak na si JC de Vera.

Ini-enjoy ng 32-anyos na aktor ang kanyang fatherhood.


“I’m proud to be one,” simpleng statement ni JC sa pamamagitan ng mensahe sa amin ng manager niyang si Leo Dominguez.

Lahad ni Leo, “Private nga po lang yun, kasi non-showbiz po ang mom ng anak niya. Hanggang doon na lang po muna.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: We knew this all along, and we wish JC the best in his new role as a father.

Galing sa buo at mabuting pamilya, I believe he will be a responsible family man, too.

May plano na ba siyang magpakasal? We would understand if he’s not rushing into it.

GORGY RULA: Tahimik lang kasi talaga si JC de Vera. Hindi maingay at madrama sa social media.

Hindi sya yung mahilig magpu-post ng mga personal na hanash sa buhay.

Kaya napapanatili niya ang pribadong bahagi ng buhay. Kaya happy lang ang lahat.

Sino kaya kina Yasmien Kurdi, Rhian Ramos, at Danita Paner ang babati ng "congratulations" at "good luck" sa bagong responsibilidad ni JC bilang ama?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results