Kakai Bautista at Ahron Villena, "magpapakita" sa beach scenes ng pelikula nila

by PEP Troika
May 19, 2018

JERRY OLEA: Kukunan ang “passionate romantic kiss” nina Ahron Villena & Kakai Bautista sa last shooting day ng pelikulang Harry & Patty.


Apat na shooting days pa ang natitira sa pelikula, at hindi pa alam ni Direk Julius Alfonso ang exact date ng LSD (last shooting day).

Kuwento ni Direk Julius nitong Mayo 18, Biyernes ng hapon, “Before we started the project, I had separate sessions with them. One on one.

Continue reading below ↓

“I had to check kung talagang OK na sila.

“And yes, they're OK na. Wala nang tampuhan. I had to make sure.

“Mahirap kasing hanapan ng natural chemistry kung may issue pa.

"I am glad na they had this undeniable chemistry sa mga eksena nila together.

“They are two of the most underrated artists of the industry.

“Kakai offered a new brand of comedy. She is the perfect Patty.

"Ahron has this mysterious countenance that is apt for the role of Harry."

Masaya sila sa set kasama ang co-stars na sina Bodgie Pascua, Mark Neumann, Donna ng It’s Showtime, at Arci Muñoz (in a very special role).

Dagdag ni Direk Julius, “We are shooting our beach sequences this month.

"Biniro ko ang dalawa kung ano ang ipakikita nila.

“Kakai dares to show some skin. Whatever part it is. Hahaha!

“And so I dared Ahron for a butt crack exposure. Hehehe!”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Wow, Ahron Villena doing what Paulo Avelino’s character has done in Kasal? Exciting!

Buti naman OK na sila. At pure platonic na ang kanilang relasyon, tama ba yun?

At least they’re on the same page at good working relationship na... yun na lang yun!

GORGY RULA: Magaling na direktor si Direk Julius Alfonso. Maaring maganda ang kalalabasan ng pelikula.

Iyon sana ang ibenta ng pelikula. Hindi ang tandem nina Kakai at Ahron.

Parang ang hilas kung ang ipu-promote ang katawan ni Kakai, ang butt crack ni Ahron o ang kissing scene ng dalawa. Ewww!

Okay na yung kakaibang comedy na kayang kaya naman sigurong ibigay ni Kakai.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results